Tuluyan na akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala. Nag effort talaga siya para dito? Basang-basa na siya ng ulan at Hindi man Lang sumilong sa resto. Binalot ako ng matinding pag-aalala matapos makita ang sitwasyon niya ngayon. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit niya ginagawa to ngayon.
Matagal lang siyang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o ano. Mga ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan at tanging ang mga patak lang ng ulan ang naririnig namin na ingay. Nang hindi ko na kinayang makipagtitigan Pa sa kanya ay ako na ang sumuko para magbaba ng paningin.
"H-happy first monthsarry nga pala. Pwede na ba akong umuwi?" He faked his smile nang mag angat ulit ako ng paningin sa kanya. Hindi Pa man ako nakakasagot ay naglakad na siya papalapit sa akin. I was expecting him to stop infront of me pero napaawang ang labi ko nang lagpasan niya lang ako mula sa kinatatayuan ko.Sa Hindi KO malamang dahilan ay parang bumara ang lalamunan ko. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko kasabay ng pag init ng pisngi ko. Nabitawan ko ang payong na dala-dala ko at kasabay ng pagbagsak nito ang pag uunahan sa pagpatak ng mga luha ko. "S-sandali... " Hinabol ko siya habang Hindi Pa siya tuluyang nakakalabas ng garden. Natigilan siya at napababa ng paningin sa kamay niyang hinawakan ko. "V-vince hayaan mo naman a-akong magpaliwanag... " Hirap na sambit ko. Hindi niya man lang ako nagawang tignan. Nakababa Lang ang paningin niya na para bang takot siyang tignan ako sa aking mga Mata.
Unti unti na din akong nababasa ng tuluyan ng malakas na ulan pero wala na akong pakealam. Kaya nga sinubukan Kong magmadali papunta dito para maabutan ko siya diba? Pagkatapos sa ganito lang pala kami mauuwi.
"Let me go... " Mahinang utos niya habang nakatingin Pa din sa kamay Kong nakahawak sa kamay niya. Hindi ko siya pinakinggan at mas hinigpitan Pa lalo ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Hindi ko kasi n-napansin yung message mo--"
"That's because you don't care! " He cut me off at sinalubong na ang mga tingin ko. Hindi ko mabasa kung anong sinasabi ng mga mata niya pero isa lang ang sigurado ako, galit siya.
Napailing ako bago sumagot. "Ofcourse I care V-vince. " Halos hindi ko mabanggit ang pangalan niya. Napalunok ako. Laking pasasalamat ko sa ulan dahil Hindi niya makikita ang pagpatak ng mga luha ko. Bakit nga ba ako naiiyak? Ito yung emosyon na hinding hindi ko kayang pigilan. Konting bagay lang na alam kung masasaktan ako o makakasakit ako ay hindi ko na namamalayan na naiiyak na pala ako.
Hindi ito ang inaasahan ko na mangyayari pagdating ko dito. Hindi ko naman akalaing mag eeffort siya ng ganito at magagawa Pa talaga niyang magpaulan kakahintay sa akin. Pwede namang umuwi nalang siya diba? Pero bakit hindi niya ginawa?
"Hindi Jessa... Kahit kailan hindi ka nagkaroon ng pake sa Akin... " Parang dinudurog ang puso ko dahil sa mga sinasabi niya. Naririnig niya ba ang sarili niya? Saan naman nanggaling ang mga salitang yun? "Ni hindi mo nga ako magawang kamustahin kapag hindi ako nagpaparamdam..." So yun pala ang gusto niyang mangyari? Gusto ko mang gawin yun pero pinapangunahan ako lagi ng takot at kaba na baka maistorbo ko siya. "Alam mo bang oras-oras, minu-minuto iniisip ko kung ano kayang ginagawa mo?" Napababa ako ng tingin. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami ngayon, baka nag lulundag na sa tuwa ang puso ko dahil sa sinabi niya pero iba ngayon dahil sa bawat salitang lumalabas mula sa bibig niya ay nasasaktan ako. Wait, nasasaktan ako? Bakit nga ba ako nasasaktan? "Kanina naghihintay ako na baka ikaw naman... " binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko kaya nabitawan ko siya. "Baka ikaw naman yung unang babati sa akin ng 'good morning' o kaya mag uupdate kung nasaan ka or anong ginagawa mo... " Iyon ang mali ko at alam ko naman yun sa sarili ko. Pero sapat na ba na dahilan yun para sumbatan niya ako ngayon?

BINABASA MO ANG
Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On Going
Teen Fiction"Rain is not only drops of water. It's the love of the sky for the earth. They never meet each other but sends love this way." "I am your Rain and you were my world, catch me when I fall." - Jessa Rain Flores "How could I hate the rain when it falls...