CHAPTER 3

59 5 0
                                    

"I love you siiiiiisssss!!!" Tili ni Milca sabay yakap sakin.

"Eww Milca!" Nandidiring reklamo ko.

"Buti nalang talaga may matalino tayong kaibigan dahil kung wala ay napalabas talaga kayong dalawa." Natatawang sabe ni Macy.

Nandito kami ngayon sa Canteen dahil lunch na. Tuwang tuwa sila dahil na save ko daw ang buhay nila, lagi naman akong ganun dahil ayoko na madungisan ang pangalan nila. Hindi naman ako matalino, sadyang masipag lang ako mag aral at dahil don ako ang salutatorian namin nung high school at napaka hard working ko talaga dahil ayokong ma disappoint ang family ko sakin. Although hindi naman talaga bobo sina Sacha Regine at Macy Joy, tamad lang talaga sila mag aral.

"Daldal niyo kasi, sabi ko naman sainyo pag nasa room tayo mag focus muna kayo sa discussion dahil marami pa namang pagkakataon para magdaldalan. Ayan tuloy muntik na kayo mapalabas." Pangangaral ko. Ayaw na ayaw Ko talagang nagdadaldalan kami kapag nagsisimula na ang klase dahil gusto Kong nasa discussion lang ang atensyon.

"Si Milca kasi napaka kulit." Naiinis na sagot ni Sacha Regine. Inirapan naman siya nito.

"Sorry na nga eh, dina mauulit"

"Hindi na talaga mauulit dahil hindi na ako tatabi sayo."

"Ano?! Grabe ka naman sakin."

"Joke lang! Mahal kita kaya di kita iiwan."

"Naol mahal at hindi iiwan." Sabay sabay naming sabi at nagtawanan.

"Ehem!" Napalingon naman kami sa tumikhim. Nakangiti naman itong tumingin kay Milca. "Panget." Tawag niya at humalik sa noo nito. Ang sweet talaga ng boyfriend niya. Ang ganda ng call sign nila no? Mainggit kayo please. Siya si Ivan Jude, 3 years na silang mag on at matatag padin ang relasyon nila. Engineering ang course niya at tuwing lunch lang kami nagkakasabay.

Naupo siya sa tabi ni Milca at inilapag ang tray na bitbit niya na may laman ng lunch niya. "Hello guys, kamusta kayo?" Nakangiting tanong niya sa amin.

"Still sexy." Natatawang ani Macy Joy.

"Habulin parin ng boys." Maarte namang sagot ni Sacha Regine.

"Medyo stress kasi medyo nakaka stress ang araw na'to." Sagot Ko naman.

Natawa naman si Ivan bago tumango tango. "I heard muntikan na mapalabas itong dalawa." Turo niya kila Milca At Sacha Regine. Nagkatinginan naman kami ni Regine.

"OA kasi si sir, nagbubulungan lang naman kami ni Jessa eh tapos nadamay pa si Regine hahaha." Pangangatwiran ni Milca.

"Tsk. Magfocus ka kasi muna sa klase bago makipagdaldalan." Singhal ni Ivan sa kanya

Napanguso naman ito. "Nagsasagap lang naman ako ng balita eh." Natatawang sabi niya. Binatukan naman siya nito. "Aray ko naman, panget!" Angil niya sa boyfriend. Ang sweet talaga nila. Sarap hampasin ng tray.

"Puro ka nalang kalokohan."

"Kalokohan lang pero di 'to marunong magloko."

"Wow!"

"Oh bakit? Niloko naba kita?"

"Hindi pa, lolokohin palang." Hinampas siya ni Milca sa braso dahil sa sinagot niya. Kaya napalayo siya ng bahagya.

"Ayan! Palagi mo nalang akong sinasaktan." Aniya na kunwaring naiiyak. Natatawa naman kaming pinapanuod silang dalawa.

"Nang ako yung sinaktan mo nagreklamo ba ako?" Taas kilay na tanong ni Milca.

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon