CHAPTER 21

21 3 0
                                    

Natapos ang isang linggo na normal lang ang mga nangyari. Naging sobrang caring at supportive ni Vincent sakin. Nung una ay naiilang pa ako at hindi sanay dahil sa mga pinapakita niyang effort. Palagi niya akong hinahatid sundo, dinadalhan ng snacks sa mga practice ko, wala na siyang pakealam sa mga kaibigan namin kapag inaasar kami at nagkaroon na kaming dalawa ng sarili naming mundo. Sa mga lumipas na araw ay hindi ko namamalayang naging komportable na pala kaming dalawa sa isa't isa. Naging paborito naming date yung pagkain ng street foods sa labas ng school after ng practice namin. Hindi na din namin madalas nakakasama yung mga kaibigan namin dahil abala din sila sa kani kanilang mga practice kaya kaming dalawa nalang din ni Vincent yung palaging magkasama.

Ngayong araw na ang debut ni Yash. Naimbita ko na yung mga kaibigan ko including Vincent and his friends. Mabuti nalang pinagpahinga muna kami ng school sa mga practice namin kaya free kami ngayong araw. Maaga akong nagising para maligo at pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay inayos ko na din ang mga kailangan kong dalhin na gamit.

Pagkababa ko sa sala ay naabutan kong nagkakape si Haedine. Sina Macy at Regine ay paniguradong tulog pa. "Good morning Haedine. Pwede pakisabi nalang kina Macy at Regine mamaya na mauuna na ako sa resort? Sunod nalang kayo ah."

"Sige try ko pumunta." Ngumiti Siya. Napansin kong parang namamaga yung mga mata niya pero umiwas Siya ng tingin kaya ngumiti nalang ako. "Ingat." Dagdag pa Niya.

Tumango ako. "Salamat." Iyon lang ang sagot ko at lumabas na ng Bahay. Dumiretso ako sa kotse ko at inilagay yung mga dala kong gamit sa back seat bago ako umikot sa Driver's seat at sumakay na. Pagkatapos kong paandarin ang kotse ay pinindot ko yung external remote control ng gate Namin para awtomatiko iyong bumukas at sumara kapag nakalabas na ako.

Pagkalabas ko ng gate ay mabilis akong nagmaneho para nakarating kaagad sa resort namin kaya mga 30 mins lang ay nakarating na kaagad ako.

Pagkapark ko ng kotse sa garage ng Bahay namin ay nagmadali akong bumaba at kinuha ang mga dala ko sa back seat saka ko nilock yung kotse ko.

Pagkapasok ko sa bahay ay napansing ko kaagad na marami ng tao sa loob at may mga nagluluto na sa kusina. Nandito na pala yung ibang mga kamag anak Namin. Hindi nila napansin ang pagdating ko kaya agad akong dumiretso sa kwarto ko para ilagay doon ang mga dala ko saka ako bumaba ulit para i-check kung nasaan si Mamay.

Lumapit ako sa kusina at nang mapansin ako ni tita Celia ay agad siyang natuwa. "Nandito kana pala Raine." Tuwang tuwang sabi Niya. Napalingon din ang iba naming kamag anak at napansin din ako. Yes, maliban kay Taylor, pati mga tita at tito ko ay Raine din ang tawag sa akin.

"Opo tita gusto ko kasing tumulong." Ngumiti ako at lumapit kay tita Celia para tumulong sa paghiwa ng mga gulay.

"Naku huwag na kaya na Namin dito. Magpahinga ka nalang jan dahil alam kong mapapagod ka lang din dito at baka wala ka nang energy mamaya sa party." Sabat naman ni Tita Ann. Napanguso nalang ako dahil ayaw Nila akong patulungin kahit nagpupumilit na ako. Maaga nga akong pumunta dito para makatulong eh.

"Balita ko may boyfriend kana daw ulit? Gusto kong makilala." Biglang Tanong ni Tita Sol. Ang bilis naman ng chismiss.

"Oo nga naikwento ng mama mo kahapon samin. Pogi ba yun?" Natawa ako kay Tita Cindy. Ito na yung mga chismosa kong Tita's.

"Ah Opo mabait at pogi naman hehe." Awkward kong sagot.

"Para Sakin hindi sapat yung mabait at pogi lang. Dapat yung totoong Mahal ka." Napalingon ako kay Tita Celia. Sa kanilang mga tita ko, si Tita Celia ang pinaka maalaga at mabait. Naging pangalawang nanay ko na din Siya noong bata pa ako.

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon