CHAPTER 13

19 3 1
                                    

Nagkatitigan pa kaming lahat bago sabay sabay na naghiyawan ang mga siraulong kaibigan ni Vincent including my friends. Si Taylor ay walang imik na bumalik sa sofa samantalang si Haedine ay nakangisi lang ng nakakaloka. Sumenyas pa si Macy ng babye at tinukso tukso pa nila ako ng tingin bago tinalikuran. Napairap nalang ako sa hangin at walang pasabi na dumeretso sa lababo para maghugas.

Hindi pa man ako nakakapagsimula ay lumapit na si Vincent at tumikhim sa likuran ko. Hindi ko siya nilingon.

"OK na ako dito kaya ko'ng mag isa." Malamig na sabi ko.

"You sure?" Mas malamig na tanong niya. Whooo! Buti nalang sanay ako sa cold.

"Yeah you can go now." Sinimulan ko nang maghugas at hindi na pinansin si Vincent. Ilang minuto ang nakalipas at hindi ko namalayan kung nakaalis naba siya o hindi pa. Whatever bahala siya sa buhay niya!

Dahil curious ako kung nakaalis na nga siya, mabilis akong lumingon paharap at---

F*ck! Halos mapatalon ako sa gulat nang ang sumalubong sa akin ay ang mukha ni Vincent na halos 2 inches lang ang layo sakin kaya nanlaki ang mga mata ko at siya naman ay seryosong nakatitig lang sakin. Dapat pala hindi nalang ako lumingon. Pinagsisihan ko pa tuloy. Another katangahan Jessa.

Napahigpit ang hawak ko sa plato ng dahan dahan niyang inilapit ang sariling mukha sa gilid ng mukha ko. Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba at ramdam ko na din ang namumuong pawis mula sa noo ko. Feeling ko ay sasabog ang dibdib ko at hindi ko alam kung paano ba ako makakapag react o kung bakit hinahayaan ko siya sa ginagawa niya ngayon.

Lord, baka ikiss niya na ako! Please wag naman hindi pa po ako ready huhu.

"You're not my type." He whispered in my ears at nakiliti pa ako ng konti. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano dahil sa sinabi niya.

"Hugas lang ah walang anuhan!" Sigaw ni Spencer na kanina pa pala nakatingin sa gawi namin. Sa sobrang inis ko ay tinabig ko si Vincent at ng makatyempo ay binato ko yung sponge kay Spencer na may bula pa. Mabilis naman siyang napaiwas at boom!

Nanlaki ang mga mata ko ng tumama yung sponge sa mukha ni Taylor. Nagtawanan sila sa sala at badtrip namang pinulot ni Taylor ang sponge kaya dali dali akong tumakbo palapit sa kanya.

"S-sorry." I apologize.

Iniabot niya sakin ang sponge at ngumiti. "It's ok." He said sincerely and walk through the bathroom to clean his face.

Naguilty tuloy ako kaya bumalik nalang ako sa lababo para maghugas ulit.

"Childish." Salubong ang kilay ni Vincent ng balikan ko.

"Mature." I said sarcastically.

"Move to the other side." Masungit na utos niya.

"Bahay mo'to?" I rolled my eyes.

"I don't care."

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagsasabon ng plato. Tahimik lang siya sa pagbabanlaw hanggang sa matapos na kami. Laking pasasalamat ko na hindi kami nagbangayan.

Nagtungo kaagad kami sa sala pagkatapos naming maghugas. Naupo ako sa tabi nina Macy at Regine samantalang si Taylor ay naupo sa harapan sa tabi ni Haedine as usual. Nanunuod lang sila ng horror movie na sa sobrang seryoso ay hindi na yata napansin ang presensya namin. Nakinuod na din ako at kumuha ng chips na nasa mesa pero laking gulat ko nang magkasabay nanaman kami ni Vincent at bahagya niya pang nahawakan ang kamay ko. Sabay pa kaming napaangat ng tingin sa isa't isa at sabay din na binawi ang kamay. 

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon