CHAPTER 19

9 3 0
                                    

"Uhh pasensya kana anak." Mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap Sakin bago pinahid ang mga luha Niya gamit ang palad. "A-ano...miss lang Kita..." Tumawa siya pero tuloy pa din sa pagtulo ang mga luha Niya sa mata.

Hindi ko natiis na makita siyang ganon kaya pati ako ay nadala na din sa pag iyak Niya. "Mamay naman eh..." Napatakip ako sa mukha ko. Hindi rin ako sanay na umiyak sa harapan niya.

Naramdaman ko nanaman ang pagyakap niya kaya mas lalo akong naiyak.

"Ang drama mo Jessa." Natawa ako sa sinabi niya kasabay ng pagbitaw Niya sa akin.

"Ikaw kaya ang madrama jan." Nagtawanan kami. Para kaming timang pareho. Hindi ko alam pero parang gumaan yung pakiramdam ko. Nagpunas ako ng luha ganon din si mamay.

"Bakit ka napadpad Dito?" Tanong niya bigla. Kumuha Siya ng tubig sa ref at binigay Sakin.

"Salamat." Ininom ko yun bago sumagot sa tanong niya. "Namiss ko lang yung napakaganda kong nanay syempre." Ngumiti ako sa kanya.

"Alam mo mana ka sa tatay mo bolero." Natawa ako sa sagot Niya. Gusto lang naman siyang mapasaya eh.

"Hindi naman may pero totoo naman Kasi talagang maganda ka e kaya nga nagmana ako sayo."  This time ay inirapan niya ako. Taray ng nanay ko.

"Nakauniform ka pa ah. Nag cutting classes ka?" Gulat naman akong naman akong napatingin sa kanya. Cutting class agad?

"Grabe may wala kaming klase kaya naisipan ko muna umuwi dito kasi namimiss ko na yung resort natin." Napanguso ako. Hindi ko naman ugaling mag cutting class. Mga imagination talaga ni mamay oh.

"Bakit mag isa ka lang?" Tinaasan niya ako ng kilay. Ha? Sino pa bang ini-expect niya na kasama ko?

"Dapat ba akong maging dalawa?—aray ko may!" Kinurot Niya ako sa tagiliran. Hindi lang siya mataray, sadista din pala.

"Pilosopo!" Inis niya akong binato ng maliit na unan mula sa couch pero naiwasan ko kaya pinagtawanan ko Siya at lumayo ng konti sa kanya.

"Nasaan si Vincent? Bakit hindi mo kasama?" Natigilan ako sa Tanong Niya. Nawala bigla yung malapad na ngiti ko sabay iwas ng tingin. Pano ko ba sasagutin to?

Umayos ako ng upo at umubo pa kunyari. "A-ano may nasa...nasa..." Mag isip ka ng palusot Jessa. "Uhh—" sabay kaming napatingin ni mamay sa cellphone Niya ng tumunog ito. Yes! Haysss salamat save by the caller!

"Oh Vince?" Nanlaki ang mga mata ko ng sagutin ni mamay ang tumawag. "Uhh yeah she's here... don't worry... I don't know nagulat din ako na nandito Siya but I'm glad kasi makakapag usap kami...Sige thank you...bye." binaba Niya ang phone at inilapag sa coffee table. Nag cross arms siya at taas noong sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Wew!

"Sino yun may?" Awkward na Tanong ko kahit alam ko Naman na kung Sino yun.

"Kunwari ka pang dimo Alam. Anong nangyari sainyo?" Tumaas nanaman yung isang kilay niya.

"Nasan po pala si P-papay?" Pag iiba ko ng usapan. Baka sakaling umepekto.

"Nasa trabaho siya. Sagutin mo yung tanong ko Jessa." Nahihimigan ko na ang pagkaseryoso ng boses niya.

Umiwas ako ng tingin at humugot ng malalim na hininga. "Uhh wala naman po nangyari may." Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin. Dapat ba akong mag explain? Para Saan?

"Jessa may experience kana sa relationship. Hindi kana bago sa mga ganyang sitwasyon. Wag mo hahayaang palagi kayong nagkakatampuhan kabago bago niyo palang nag aaway na kayo." Nanlaki ang mga mata ko na napabalik ng tingin kay mamay. Anong sinasabi niya? Hindi naman kami nag away.

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon