CHAPTER 17

18 3 1
                                    

"Sanaol susunduin." Pang aasar ni Macy habang nag aayos kami ng gamit para pumasok.

Pagkatapos Kasi ng nakakabaliw na usapan Nila mamay kahapon ay nakipag kondisyon pa sila kay Vincent na ihatid sundo daw ako at ingatan Niya pa ako. Kaya ko Naman ang sarili ko pero hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang trato Nila kay Vincent.

Si Vincent ay sumasang ayon lang sa mga sinasabi Nila mamay at papay. Hindi Naman ako umaasa na susunduin niya talaga ako. Baka sumang-ayon lang Siya sa sinabi ng parents ko pero hindi Niya Naman talaga gagawin yun.

"Tigil tigilan niyo ako sa pang aasar niyo, hindi ako natutuwa." Inis na singhal ko sa dalawa.

"Kunwari ka pang naiinis eh ang aga mo nga nag prepare. Excited ka sis?" Dagdag pang aasar Naman ni Regine. Ayaw talaga Nila tumigil.

"Mag cocommute ako." Sagot ko sa kanilang dalawa na ikinatawa Naman Nila.

"Ha? Mag cocommute? May sariling kotse ka Naman ah." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Macy. Oo nga pala may kotse ako, bat bigla kong nakalimutan yun?

"Trip ko mag commute eh, pake niyo?" Palusot ko pa na mas lalo nilang tinawanan. Ang Saya Saya Nila.

"Palusot ka pa eh, halata namang occupied ang isip mo ni Vincent. Kinalimutan mo pa talagang may kotse ka ah." Natatawang sabi Naman ni Regine. Sinilip Niya pa talaga ang mukha ko para asarin ako lalo kaya binatukan ko siya na mas lalo niyang tinawanan. Baliw.

"Nagtatampo ka sa baby mo? Ang tagal dumating? Hayaan mo mayamaya andito na yun." Kantyaw Naman ni Macy. Ayaw talaga Nila ako tigilan.

Sasagot na Sana ulit ako ng marinig Namin ang busina sa labas kaya naagaw non ang atensyon Namin. Dali dali akong lumabas para silipin kung sino yun.

"Hindi daw excited pero halos madapa na kakamadaling lumabas jan." Natatawang pahabol ni Macy.

Umayos ako ng lakad ng malapit na ako sa gate, dahan dahan ko iyong binuksan at tumambad kaagad Sakin ang gwapong mukha ni Vincent. Oo ang gwapo Niya Ngayon sa Archi uniform Niya at sa nakaayos niyang buhok Kaso nakakunot ang nukha Niya at salubong nanaman ang kilay nang salubungin ang tingin ko. Hindi ba Siya masaya na masilayan ang ganda ko?

"Where's angel?" Agad na bungad Niya. Wala man lang 'good morning girlfriend ko o kaya ready kana ba for school?'  Grrr nakakagigil mga sis. Nakakapagtampo lang na ako yung girlfriend Niya pero iba yung hinahanap Niya. Wait, what did I just say?

My gosh Jessa stop dreaming!

"Nasa loob nag aayos ng gamit Niya." Pormal na sagot ko bago pa ako tuluyang lamunin ng mga imahinasyon ko.

"Can I come?" Pormal na Tanong Niya.

"Sige."

Iginiya ko Siya Papasok sa loob ng bahay at pinaupo ko Siya sa couch habang naghihintay sa pagbaba ni Haedine. Natatawa Naman yung dalawa na nagbubulungan pa sa kabilang couch kaya lumapit ako sa kanilang dalawa at naupo sa gitna Nila.

"Good morning girls." Pormal na bati ni Vincent sa dalawa kong kaibigan. Wow, Sakin di man lang nag good morning.

"Good morning Vince!" Maarteng bati pabalik ng dalawa kaya natawa si Vincent. Sakto namang pababa na si Haedine kaya don agad natuon ang atensyon ni Vincent.

"Aga mo ah, excited ka makita si Jessa?" Pang aasar kaagad ni Haedine. Uminit kaagad ang pisngi ko dahil sa narinig.

"Sumabay kana samin Papasok sa school para di kana dumaan kung Saan Saan."

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon