CHAPTER 4

70 6 3
                                    

Halos wala akong maayos na tulog dahil sa nangyari kahapon. Hanggang sa pagising ko ay iyon parin ang laman ng isip ko kaya naman hindi maipinta ang mukha ko ngayon. Lumaki ata ang eyebags ko sa kakaisip ng kung anu-ano.

Dahil nga sa nangyaring yun ay naging bangag na yata ako sa kakaisip tungkol don. Hindi ko na yata alam ang gagawin kapag nakita ko mamaya sa campus ang isa sa kanila, si Haedine, si Vincent at lalo naman si Taylor. Parang ayoko nalang muna pumasok mga isang linggo.

*doorbell: Dingdong!

Natinag naman ako sa malalim na pag iisip dahil sa pagtunog ng doorbell. Dali dali akong tumayo mula sa pagkakaupo sa couch at binuksan ang pintuan. Laking gulat ko naman nang tumambad sa akin ang mukha ni Milca Ellery na hindi ko maipaliwanag. Gulo gulo ang kaniyang buhok, gusot ang damit, at tila wala pang tulog dahil sa malalim at nangingitim niyang mata. Hindi ko tuloy napigilang matawa dahil sa itsura niya.

"Bwahahahahahahhahaahahhahaha" tawa ko habang nakaturo sa mukha niya. "Hahahhaah. A-anong nangyari sa mukha mo? Mukha kang ni-rape ng pitong malalaking nilalang. Hahahahah." Natatawa paring tanong ko. Napahawak pa ako sa tiyan ko dahil sa kakatawa. Anong trip ng babaeng ito at naging ganito ang mukha? Kung hindi ko lang siya kaibigan ay mapagkakamalan ko na na siyang baliw.

"J-jessa..." Mahinang usal niya. Natigilan naman ako ng makita ko'ng parang maiiyak na siya.

"Hahahahahahahahahah. Ano mang paprank nanaman ba kayo ni Macy? Naku! Alam ko na ang mga ganyang drama niyo eh hahahhhaha---" natigilan ulit ako sa pagtawa ng bigla nalang siyang sumalampak sa sahig at humagulgol todo.

"H-hoy seryoso ka?" Nag aalinlangang tanong ko. Sumilip pa ako sa labas at sinigurong wala doon si Macy na kapartner niya lagi sa kalokohan. Wala naman akong nakita at mukhang seryoso talaga siya. "A-anong nangyari? Napapano kaba?" Nag aalalang tanong ko. Sa halip na sumagot ay bigla niya nalang akong niyakap ng napaka higpit. Hinagod ko naman ang kaniyang likuran. Mukhang may masamang nangyari sa kaniya. "Milca nag aalala ako, anong nangyari sayo?"

"H-hindi ako..." Humihikbing sabi niya at hinahabol ang hininga. "M-makahinga..." Bigla nalang siyang bumagsak na ikinagulat ko. Mas lalo akong kinabahan at nag panic na ako.

"Aling Rita!" Sigaw ko sa katulong namin. Dali dali kong inalalayan si Milca. "Aling Rita! Tulong!"

"Bakit iha? Napapano kaba?" Natigilan naman si aling Rita nang makita si Milca. "Jusko! Anong nangyari jaan?" Nag aalalang tanong niya.

"Aling Rita tulungan mo ko, dalhin natin siya sa hospital." Aligaga namang lumapit si aling Rita sa gawi namin at tinulungan akong buhatin si Milca. Wala dito sina mommy at daddy dahil may trabaho sila, ang mga kapatid ko naman ay may klase kaya naiwan lang kaming dalawa dito ni aling Rita. Mabuti nalang at mamayang alauna pa ang klase ko.

Dali dali naming sinakay si Milca sa Kotse ko. Dinala namin siya sa pinakamalapit na hospital. Halos takbuhin ko ang ER para magpatulong. Nag aalala ako sa kalagayan ng kaibigan ko. Naguguluhan ako kung ano ba ang nangyari. Nasaan kaya sina Tita Sandra at tito Brent? Bakit ganito ang itsura ni Milca? Ano kayang problema niya? Anong nangyari? Bakit sunod sunod yata ang mga problemang iniisip ko? Parang kahapon lang ok pa naman kami. Masaya pa kaming naghiwa hiwalay ah. Hindi kaya nagalit si tito Brent dahil nagpahatid si Milca kay Ivan?

"Iha, huminahon ka muna. Maupo ka dito, nahihilo na ako sa kakapanuod sayo." Nag aalalang tugon ni manang Rita. Nasa ER na si Milca at inaasikaso na ng doctor. Hindi na ako mapakali dahil gusto ko nang malaman kung ano ba talaga ang nangyari.

"Manang saglit lang po tatawagan ko muna ang mga kaibigan namin." Paalam ko at dali daling lumabas. Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Macy Joy. "Hello..."

"Oh, napatawag ka? Miss mo na agad ako?"

"Macy... Si Milca..."

"Si Milca? Nasa bahay nila."

"Nasa hospital siya..."

"Ano?!"

"Oo."

"Ano namang ginagawa niya sa hospital?"

"Dinala ko siya dito."

"A-anong ibig mong sabihin? Bakit mo siya dinala jan?"

"Mamaya ko na ipapaliwanag, pumunta nalang kayo ni Regine dito dahil mukhang may problema siya."

"Oh my gahhdd! Sige sige magbibihis lang ako, saang hospital ba 'yan?"

"St. Joseph."

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Macy Joy ay Pumasok na ulit ako sa loob. Nakita ko namang lumabas ang doctor sa ER kaya sinalubong ko kaagad ito. "Doc, kamusta po ang kaibigan ko?"

"She's not in good condition." Malungkot na sagot ng doctor.

Nag aalala naman akong napatitig dito. "What do you mean doc?"

"She has acute heart disease..."

Parang biglang bumagal ang mga kilos sa paligid ko. Hindi ako nakapag salita agad dahil sa narinig ko. Agad akong pinangiliran ng luha. "D-doc...?"

" Acute heart failure (AHF), also known as acute decompensated heart failure or cardiac failure, is not a single disease entity, but rather a syndrome of the worsening of signs and symptoms reflecting an inability of the heart to pump blood at a rate commensurate to the needs of the body at normal filling pressure." Paliwanag ng doctor. Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha.

"Most people who develop acute heart failure actually experience a worsening of existing chronic heart failure symptoms. In these cases, there is no definite cure. However, steps can be taken to manage symptoms and to prevent the condition becoming worse." Dagdag pa niya at nagpaalam nang babalik sa loob ng ER. Napayuko ako sa mga tuhod ko at doon umiyak ng umiyak. Niyakap naman ako ni Aling Rita. Hindi ako makapaniwala. Paano nangyari? Kelan pa siya nagkaroon ng sakit?

Milca Ellery...


~ imacilegn_angel

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon