CHAPTER 14

11 2 0
                                    

Malakas silang nagtawanan dahil sa tanong ni Haedine. Mas lalo tuloy akong nailang dahil sa tanong niya. Alam niya ba kung anong ibig sabihin non?

"Kayo ha di niyo sinabing nagkakamabutihan na pala kayo." Ayan nanaman ang mapang asar na si Spencer.

"Kanina lang halos magsuntukan kayo ah." Kantyaw naman ni Franz.

"It's not what you think." Mabilis na sagot ni Vincent. "We're just having fun."

"Are you happy together?" Panunukso naman ni Haedine.

"Super." Sarkastikong sagot Naman ni Vincent.

"Jessa ha? Nakakapag tampo." Kunwaring malungkot na tugon Naman ni Macy sabay tawanan nanaman Nila.

"Ang issue niyo." Inis na sagot ko sabay akmang lalabas ng bigla akong pigilan ni Franz. "Oh bakit?"

"Dito na daw Tayo mag iinuman." Sagot Niya at nagkanya kanya na silang pwesto.

"Bakit Dito? Ayaw niyo sa sala?" Kunot noong tanong ko.

"Para kapag sino unang malasing diretso tulog na Jan sa kama." Sagot naman ni Spencer.

"Ang unfair saming girls ah." Reklamo ni Regine.

"Di Naman kayo hard drinkers eh." Depensa ni Spencer.

"Hard drinkers sinasabi mo Jan?" Natatawang tanong ni John.

"Malakas uminom pre."

"So sinasabi mo na magkakaiba Tayo ng iinumin?" Tanong ni Macy.

"Baka Kasi di kayo sanay uminom." Sagot Naman ni Franz.

"Sakin ok lng, Minsan lang Naman eh." Mabilis na sagot ni Macy.

"Ako din." Taas kamay Naman si Regine. Aba, mukang mapapalaban yata ako nito ah.

"Ikaw Haedine?" Baling Naman ni Taylor kay Haedine na tahimik lang habang nakikinig samin.

"Yan pa tinanong niyo eh mas malakas pa sa inyo yan." Natatawang sagot ni Vincent.

"Whoaaaahhh" kantyaw Nila sabay tukso kay Haedine. Natawa lang si Haedine at hindi nalang sila pinansin.

"Oh G na!"

"G!!!"

Lumabas na ang boys at kinuha ang mga alak na iinumin namin. Buti nalang at mayroon kaming stock Dito sa bahay dahil pinamili iyon ni papay incase na may gaganapin daw Dito na party.

Nanguha Naman ako ng chips at mga chichirya sa kwarto ko. Madami Kasi akong stocks don dahil matakaw ako sa chichirya. Pagkabalik ko sa guest room ay nakapwesto na sila at nakapaikot ang upo sa sahig. Naka circle yung upo Nila kaya naupo nalang ako sa gitna nina Macy at Haedine dahil iyon nalang ang space. Inilapag ko kaagad sa gitna ang mga dala ko at nagpaunahan pa si Macy at Spencer sa pagbukas non.

"Inuman to ha? Hindi kainan." Pagwawarning ni Franz sa dalawa.

Sinimulan na din buksan nina John at Taylor ang mga alak at nagsalin sa shot glass. Naunang uminom doon si Taylor, bago nagsalin ng panibago para kay John. Naging tanggero si Spencer kaya ang bilis umikot ng baso hanggang sa turn ko na. Pinagmasdan ko pa muna yung shot glass na medyo nangangalahati ang laman, konti lang daw ang saming mga babae kaya sa kanilang boys ay puno dapat. Mabilis ko yung tinungga at ibinaba ang baso sabay kuha ng chips at kinain ko. Medyo hindi ako sanay uminom kaya gumuhit iyong lasa ng alak sa lalamunan ko. Ayaw ko namang maging kj kaya nakikisabay nalang ako sa kanila.

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon