CHAPTER 8

37 2 0
                                    

"Macy? "

"Oh bakit? "

"Pasado alas syete na ah pero Hindi pa din lumalabas ng kwarto si Milca." Kanina ko pa ipinagtataka kung bakit Hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Milca. Kinakabahan na din ako at Hindi na mapakali dahil baka kung napapano na siya.

"Baka tulog pa. " Macy answered calmly.

"Nag aalala ako Macy. " I replied worriedly. Nandito kami ngayon sa labas sa gilid ng pool habang nag cocoffee. Tulog pa Sina Regine at Haedine kaya kaming dalawa pa lang ang Narito.

"Timang ka maaga pa Kaya baka napuyat lang yun kakaiyak. Alam mo naman yun, kapag may problema kinaumagahan pa sinasabi sa atin." Hindi pa rin ako kumbinsido sa sagot niya. Pakiramdam ko ay may ibang nangyari kay Milca dahil Hindi pa rin mawala ang kaba ko.

"O-ok." Sumang ayon na lang ako kahit Hindi talaga ako mapakali. Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa kwento ni Macy pero parang wala naman akong maintindihan. Kung ano ano pa din ang naiisip ko.

"Hoy nakikinig ka ba? " Biglang tanong niya na ikinabalik ng katinuan ko.

"Ha? "

"Sabe na eh lutang ka na naman. " Reklamo niya sabay nguso.

Napabuntong hininga naman ako. "Pasensya na, Hindi kasi ako mapakali eh. "

"Halata nga eh, kanina pa ako kwento ng kwento dito pero Hindi ka naman nakikinig. " Pagmamaktol niya. Sasagot na Sana ulit ako Nang biglang bumukas ang main door namin at lumabas si Regine na tumatakbo papalapit sa amin.

"G-guys... " Hinihingal na sabi niya.

Nagkatinginan naman kami ni Macy at kunot noong bumaling sa kanya.

"Napano ka? " Nagtatakang tanong ni Macy.

Suminghap muna siya ng hangin bago muling sumagot. "H-hindi ako... " Nauutal pading sabe niya. "Si Milca. "

"Ha? Bakit? napano ba si Milca? Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh. Anong nangyari sa kanya? Ha? " Natatarantang magkasunod na tanong ni Macy.

"Joy easy... Mas OA ka pa sakin eh. Ako yung nag aalala kanina pa pero ikaw yung OA mag react jan. " Suway ko sa kanya. Napasimangot naman kaagad siya.

"Sorry naman. " Aniya habang nakasimangot pa din.

"Oh ano ngang nangyari kay Milca? " Tanong ko naman kay Regine.

"Wala na siya--- "

"Oh my gahddd. Hindiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!! Huhuhuhuhuhuhuhuhu nooooooo. Sabihin mong hindi totoo yan Regine huhuhuhuhuhuhuhuhu. " Biglang sigaw ni Macy habang humahagulgol sa pag Iyak.

Agad naman siyang binatukan ni Regine na ikinatigil niya. "Sis, napaka OA mo. Patapusin mo kasi muna ako. " Inis na singhal nito habang nakapamewang pa.

"Ay Mali ba ako ng naiisip? Hehehe sorry sige ituloy mo na. " Ani Macy na maarteng nagpunas ng luha niya.

"Pagising ko kasi tinry kong Katukin ang pinto ng kwarto ni Milca dahil natanaw ko na kayong dalawa pa lang dito. Pero ilang beses na akong kumatok eh wala pa din Kaya binuksan ko na dahil Hindi naman naka lock pero nagulat na lang ako Nang makitang Malinis na yung kwarto at wala na siya doon pati ang iba niyang gamit. " Paliwanag ni Regine. Nasapo ko naman ang noo ko dahil Alam ko Nang sinadya ni Milca na huwag magpaalam samin na aalis siya.

"Kaya pala kanina pa ako Hindi mapakali eh. Sabe ko na nga ba may kakaiba talagang nangyari sa kanya pero Hindi niya man lang sinabi satin. " Malungkot na sabi ko. Napatingin na lang ako sa labas na para bang nakikita ko si Milca doon.

Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon