"Do you love me?" Mahinang tanong ko sa kanya habang nakatitig sa gilid ng mukha Niya. Napalingon Siya saglit nagtataka sa tanong ko pero binalik Niya din kaagad ang atensyon sa pagmamaneho.
"Rain, ano bang klaseng tanong yan? Syempre oo. Alam mo Naman yun Diba?" Nginitian Niya lang ako at itinuon ulit sa kalsada ang paningin.
"Yeah...I know..." Mahinang sagot ko at umiwas ng tingin. Lumingon Naman Siya sa gawi ko at napabuntong hininga. Umuulan Ngayon kaya dahan dahan lang siyang nagdadrive for safety. Hindi ko alam kong Anong mararamdaman ko.
Pinagmamasdan ko lang ang patak ng ulan na tumatama sa bintana ng kotse at hinaplos ko pa yun ng daliri ko, gusto kong kausapin yung ulan pero nasa kotse ako ni Taylor kaya hindi ako makapag kwento.
Kakatapos lang ng engagement party Namin ni Taylor kanina kaya ihahatid Niya ako sa bahay Kaso bigla kaming naabutan ng ulan. Hindi ako masaya, hindi rin ako malungkot. Hindi ko lang talaga alam kung Anong mararamdaman ko.
Almost 5 years na akong ganito. Sumusunod lang ako sa agos ng Buhay. Bahala na kung Anong mangyari, nandito na to eh, paninindigan ko nalang.
"Dumaan muna Tayo sa hotel." Napalingon Siya Sakin at nagtataka nanaman ang tingin. "Malakas yung ulan, hindi Tayo makakauwi ng maaga sa Bataan."
"Are you sure? Baka magalit si Tita Sakin." Natatawang sagot Niya. Nangako Kasi Siya kay mamay na iuuwi kaagad ako kaya nagmamadali siyang ihatid ako. Wala namang Kaso Sakin yun pero may gumugulo sa isip ko na gusto kong pakawalan.
"Magpapaalam ako." Maikling sagot ko at nag text kay mamay na hindi ako makakauwi pero sabi ko ay magkasama Naman kami ni Taylor. Mabilis siyang nagreply ng 'ok enjoy' kaya natawa ako.
Napasulyap Naman saglit si Taylor Sakin. "Anong sabi? Kinakabahan ako."
"Ok enjoy daw." Natatawang sagot ko na ikinagulat Niya Naman. "Why? It's funny right?"
"Y-yeah..." Naiilang na sagot Niya at pumasok sa parking ng malapit na hotel. Galing kami sa Tagaytay kaya Dito muna kami magpapalipas ng gabi sa Manila. Mabilis siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto at inalalayang bumaba.
"Thanks." Nakangiting sabi ko at nilock Niya Naman ang kotse bago ako sinundan Papasok sa hotel. Nag check in kami at nanguha na lang ng iisang kwarto dahil engage Naman na kami Diba? Anong masama don?
Pagkasakay Namin ng elevator ay hindi na maipinta ang mukha ni Taylor. Kinakabahan yata Siya kaya natawa ako at hinawakan ang kamay Niya. Nagulat pa Siya at parang nakuryente ang kamay dahil binawi Niya kaagad yun pero hinawakan ko Naman ang braso Niya. Napatingin pa Siya Sakin kaya nginitian ko Siya. Saktong pagbukas ng elevator ay hinatak ko kaagad Siya palabas pero may nabunggo akong lalaki na nagmamadali kaya nahulog ang gamit na dala Niya, saglit kong binitawan si Taylor para tulungan yung lalaki at inabot ko sa kanya ang nahulog na gamit Niya.
"I'm sorry." Sabi ko at mabilis Niya namang kinuha yun pero hindi na ako nag abalang tignan Siya dahil inaalala ko si Taylor. Mabilis na tumalikod ang lalaki kaya bumalik Naman ako sa pagkakahawak kay Taylor.
Nang umangat ang tingin ko sa kanya ay nagtataka pa siyang tinitigan ako. "Why?" Takang tanong ko.
"Nothing." Maikling sagot Niya at napasulyap pa sa elevator at tumango. Napakunot Naman ang noo ko kaya lumingon din ako doon pero sakto namang sumara yun kaya hindi ko na nakita yung lalaki.
BINABASA MO ANG
Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On Going
Подростковая литература"Rain is not only drops of water. It's the love of the sky for the earth. They never meet each other but sends love this way." "I am your Rain and you were my world, catch me when I fall." - Jessa Rain Flores "How could I hate the rain when it falls...