Kinabukasan ay sumabay nalang ako kay kuya since nagtatrabaho naman siya sa Balanga kaya inihatid niya nalang ako pabalik sa bahay. Saktong 7:30 ako nakauwi at dumiretso agad ako papasok sa loob. Naaamoy ko na ang niluluto ni Regine kaya pumunta ako roon at naabutan ko si Macy na nagkakape sa dining table. Agad silang napalingon sa akin nang mapansin ang presensya ko.
"Buti naman andito kana. Tamang tama kakain na tayo ng umagahan." Bungad ni Regine. Tinanguan ko lang siya at naupo ako sa tabi ni Macy.
Tinaasan ako ng kilay ni Macy. "Oh kamusta bakasyon mo?" Sarkastikong tanong niya.
Nag isip ako kunyari. "Ayos Naman nag enjoy ako. Nakakita pa nga ako ng gwapo don sa beach eh." Sagot ko na may halong pang iinggit at ngumiti pa ako ng malapad.
"Oh tapos?" Tinaasan niya ako ulit ng kilay. Aba, di na siya marupok sa gwapo. Himala!
"Ayun nagpakilala siya tapos nakipag shake hands! Ang lambot ng kamay." Tumili pa ako kunyari.
"Anong pangalan???" Gulat akong nagpapalit palit ng tingin kay Macy, Regine at Haedine na kabababa lang. Wait, bakit biglang nasali tong si Haedine? Mahilig din sa gwapo?
Napalingon ako kay Haedine. "Teka bakit mo naitanong?" Agad kong pinangunutan ng noo si Haedine.
"May kakilala kasi akong pumunta daw sa resort niyo eh." Simpleng sagot niya. Kumuha siya ng tasa nagtimpla ng kape.
"Anong pangalan?" Ako naman ang nagtanong.
"DN." Sagot niya sabay talikod pagkatapos niyang magtimpla ng kape. Dumiretso siya sa sala at nanuod ng tv. Ang weird talaga nang babae na yun.
"Hoy anong pangalan nung pogi na sinasabi mo?" Natawa ako nang mapansin na naghihintay pa din pala yung dalawa sa sagot ko.
"Daryle Nashville Laxa daw." Natatawang sagot ko.
Napa form naman ng 'o' yung bibig nilang dalawa. "Name palang mukhang masarap na." Napaismid ako sa sagot ni Macy. Yung bunganga talaga ng babae na to.
"Search ko mamaya." Excited naman na sambit ni Regine. Mga marurupok.
"Tapos kana magluto jan? Kain na Tayo." Pag iiba ko ng usapan.
"Oo. Haedine Kain na Tayo!" Tinawag niya si Haedine pero tumanggi ito. Pansin ko din sa babae na yun parang bihira siyang sumalo sa amin ng breakfast.
Kaming tatlo nalang nina Macy at Regine ang Kumain at naikwento ko din sa kanila ang mga ginawa ko sa resort namin kahapon. Nainggit pa sila at sinabing sana daw ay inaya ko man lang sila para nakilala din sana nila si Daryle. Tinawanan ko nalang silang dalawa at pagkatapos naming kumain ay si Macy na yung naghugas ng plato samantalang si Regine at ako ay umakyat na sa kanya kanya naming kwarto para maligo at maghanda para pumasok.
Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng sarili ay inayos ko na din yung mga gamit ko. Hindi muna ako nag uniform dahil mamayang hapon pa naman yung sched ng klase ko ngayong Araw. Magpapractice muna kami ng banda kaya sinuot ko nalang yung uniform namin sa music club. Nilagay ko nalang sa back pack ko yung uniform ko para mamaya at ang extra shirt ko para Naman sa volleyball practice mamayang 3 pm.
Pagkatapos kong masiguro na kumpleto na yung gamit ko sinabit ko na sa likod ko yung back pack ko at yung gitara ko bago bumaba. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay nagulat ako nang makita kung Sino ang taong nakaupo sa couch namin. Napahinto ako saglit nang magsalubong ang paningin naming dalawa. Tumayo siya kaya nagpatuloy ako sa pagbaba pero hindi pa man ako nakakalapit sa kinaroroonan niya ay sinalubong na Niya ako.
BINABASA MO ANG
Love The Rain (Sassy Ladies) - Series #1 | On Going
Dla nastolatków"Rain is not only drops of water. It's the love of the sky for the earth. They never meet each other but sends love this way." "I am your Rain and you were my world, catch me when I fall." - Jessa Rain Flores "How could I hate the rain when it falls...