KABANATA 48

379 14 3
                                    

"My ghad! Anong katangahan 'yang pinaggagagawa mo, Samantha Añorivas?"

"I hate you!" singhal ko.

"Bahala ka tonta!" dinutdot ni beki ang ulo ko bago lumayo sa'kin, ngunit imbis patulan ay umirap lamang sa kaibigan.

Ilang sandali lamang ang itinagal nang i-anunsiyo ni Lady Godiva na nahabol ng mga bodyguards si Destiny patungo sana sa Europe, kaya kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ni Kuya Xavier. Halos pinagkaguluhan ang binata at panay ang suntok ng mga kaibigan sa braso nito habang si Lyndon ay ginulo ang buhok ni Kuya Xavier bilang pagbati.

The man looks happier right now and seems very uplifting.

"Tita S-Samantha!" bumati ang anak ni Destiny na nasa bandang likuran kasama ang yaya nito.

"Hi, how are you little boy?"

"I'm big na 'po. Darating na po ba si mommy?" inosenteng tanong ni Denver.

"Opo." hinaplos ko ang buhok ng bata saka kinarga kahit medyo may kabigatan ang anak ni Kuya Xavier.

I'm really fond of kids.

Lumipas ang halos tatlumpong minuto bago nagsimula ang sorpresang inihanda sa kaibigan. Halos kitang-kita ang walang pagsidlang kasiyahan sa mukha ng babae habang pinapanood ang mga nagpe-perform sa entablado.

"Why mommy is crying? Hindi po ba siya masaya sa inihanda ni Daddy?" bulong ng anak nito.

"That's tears of joy, little boy."

Hindi ko maaninag ang mga katabing kaibigan, ngunit parang nakaramdam ng kakaibang bigat lalo pa nang hindi sinasadyang maikumpara ang sarili sa mga kaibigan.

When do I feel so special again?

MATAPOS ANG ILANG kasiyahan sa loob ng AVR ay halos abot-langit ang ngiti ni Destiny. I can't help but to cry when Kuya Xavier bent his one knee just to ask her an amazing question: Will you marry me?

Palihim kong pinunasan ang mga mata subalit hindi nakatakas sa paningin ang pagsulyap ni Lyndon sa'king gawi. I tried to act normal though' I really can't hold my tears right now. Hindi ko maintindihan ang pusong pinipiga sapagkat naaawa sa sitwasyong sinusuong ngayon.

"Did you cry?" palatak ni Jana sa gilid ko.

"Nope."

"Bitch, don't deny it. Bakit hindi na lamang kasi ikaw mismo ang mag-aya kay Kuya Lyndon para tapos na 'yang pag-iinarte mo?" birada ng kaibigan.

"Funny, Jana."

She just chuckled and shook her head.

"I'm freakin serious, Samantha!" nanlalaki ang mga mata ng kaibigan.

"Ayokong maging kabit!" bulalas sa kaibigan habang ang ilan naman ay nagsilapitan kina Destiny at Kuya Xavier.

"Gaga! Sinong magiging kabit? Ewan ko sa'yo, Samantha. Minsan bobo ka rin sa ibang bagay. Try to visit Granny Lina before it's too late. Kuya Lyndon is planning to settle down in Norway if so you know."

Natigalgal ako sa narinig kaya hindi kaagad nakahuma nang nilampasan ni Jana maging ang anak ni Destiny ay nagpababa mula sa pagkakakarga. He's planning to settle down on the other country with his wife and obviously kids? Papayag na lamang ba akong maging second best kahit sa pag-ibig? Mas mahirap pa yata 'to sa examinations na sinasagutan ko noon.

"Hey, Samantha!" tawag ni Destiny saka sinalubong ako ng yakap ngunit napilitan na lamang ngumiti kahit biglang nawindang ang sistema sa mga pasabog ni Jana.

I took a glimpse at the man from the corner but he seems not interested with my presence anymore, because he kept on looking away. Parang iniiwas ang mga mata at ayaw na 'kong tingnan, tila nakakaaninag din ng kakaibang pagod at kalungkutan sa kanyang mukha.

HOMIGEN SERIES IV: "Kiss And Make-Up"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon