KUMAKABOG ANG AKING DIBDIB, nanlalamig ang mga kamay habang nakahawak sa manibela maging sa pagmamaniobra ay nanginginig ang aking tuhod. Nililingon ang bawat paligid at nagbabakasakaling mamataan ang binata hanggang sa mapadaan sa tapat ng Young at Love Cafe', halos huminto ang pag-inog ng mundo nang makita ang pamilyar na bulto ng binata.
Mayroon itong kausap na isa pang lalaki ngunit hindi mamukhaan kung sino. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi kaagad naikabig ang sasakyan rason upang malampasan ng tingin ang mga ito.
"Shit! Dumb!" naihampas ang manibela sapagkat hindi maaaring umabante dahil ang naturang kalye ay one-way dahilan upang kinakailangang umikot sa kabila para lamang makaparada sa tapat ng naturang coffeeshop.
"Tsk! The hell of this turbulent scene, ugh!"
Mabilis nag-U turn sa kabilang bahagi ng kalsada saka halos liparin ang kabilang bahagi ng daanan makarating lamang kaagad sa naturang tapat ng coffeeshop. Sa ilang minutong pagmamaneho'y maririnig ang tunog ng gulong dahil napapreno sa mismong gutter.
Dali-dali akong bumaba mula Audi saka walang pakundangang pumasok sa loob ng coffee shop kahit hingal na hingal. Ilang mga pares ng mga mata ang napalingon mula sa pintuan dahil sa kumosyong nalikha para lamang maabutan ang binata.
"Welcome, Ma'am ano pong--"
"Excuse me..."
Dinaanan lamang ang crew na sumalubong sa'kin saka nilibot ang mga mata sa ilang mga upuan at maging sa pabilog na mesang nakabalandra malapit sa pinto.
"Shit!"
"Miss?"
"Mayroon ka bang nakitang dalawang lalaki ritong nag-uusap kanina? Wala pang ilang minuto!" mayroong bahid ng inis ang aking tono dahil hindi ko yata naabutan ang binata.
"Uh, Miss ano pong--"
"Never mind, thanks. Sorry I'm in a hurry!"
Hindi nakapagpaalam ng maayos sa crew saka dali-daling lumabas hanggang sa hindi mapigilang maglandas ang mga luha sa mata. Sari-saring emosyon ang nakapaloob sapagkat hindi yata naabutan ang lalaki
Naisipan kong tumawid sa kabilang kalsada upang rikisahin kung naroroon nakaparada ang sasakyan ni Lyndon. Nagbabakasakaling narito siya o hindi pa nakalalayo, ilang sandali rin akong nakatanga sa kawalan ng maalalang maaari naman siyang tawagan.
"Dammit! Stupid ka talaga!" kinapa ang pouch at dinukot ang phone saka mabilis hinanap sa phonebook ang numero ni Lyndon.
Nanginginig ang aking mga kamay habang umuusal nang dasal na sana sagutin ng binata ang tawag, subalit nakakailang dial na ngunit wala paring sumasagot sa kabilang linya. I was thoroughly getting frustrated because of these dilemmas or hindrances I'm experiencing up to this moment just to reach my happiness in the arms of Lyndon Santiago.
"C'mon pick up the phone!" panay ang padyak sa gilid nang daan at pandalas ang pagpahid sa mga luhang pilit kumakawala sa gilid ng mata dahil sa nararamdamang pagkabigo.
"Please, please..." I bursted into tears when Lyndon didn't answer on the other line.
"the number you have dialed is out of coverage area,"
Doon muling lumandas ang luha sa mata at mahihinang hikbi ang naging kanlungan sapagkat iisa lamang ang ibig sabihin ng mga iyon. He left me.
Kahit hawak ang sariling phone ay panay punas ng mga luha sapagkat sobrang nananakit ang puso. Hindi ako halos makahinga sa nararamdamang bigat sa dibdib saka unti-unting napaupo sa gilid ng gutter. Ayokong isiping dito na lamang magtatapos ang lahat-lahat para sa'ming dalawa.
BINABASA MO ANG
HOMIGEN SERIES IV: "Kiss And Make-Up"
Romance"I LOVE YOU LYNDON!!!!" - Samantha A funny man who has a cold ticker that every women on elite circle desires to capture his insensitive heart. He's a total easy goer yet wicked tycoon of HOMIGEN. Samantha Añorivas, nineteen-year-old stunner who l...