KABANATA 10

326 12 0
                                    

SERYOSONG-SERYOSO ANG mukha ni Lyndon sa buong araw na magkakasama kami sa golf clubhouse. Isa-isa kaming sumusubok pumalo habang si Jana'y medyo malayo sapagkat si Lemme ang nagtuturo sa kaibigan. Samantala, hindi rin mawala ang nakaplaster na ngiti sa labi ni maharot na Coleen sapagkat tinuturuan siya ni Troy kumag. 

Maya-maya'y tumapat ako sa linya at humawak ng mashie nang pigilan ni Alex.

"Wait, did someone teach how?" kunot-noong saad nito.

"She looks good in playing golf." sabad ni Lou saka kumindat.

"Honestly, I don't have any idea how?" I awkwardly stated.

"Really? Oh it's okay---Lyndon ikaw tutor ni Cassy 'di ba? Si Samantha rin daw!" pilyang saad ni Ate Lou.

Ginulo ni Richmond ang buhok ng kaibigan bago tinakpan ang bibig ng dalaga rason para magpipiglas ito. Piniling hindi kumibo sa mga sinabi ng babae dahil kahit may binuko si Cassy tungkol sa regalo raw ni Spongy Babe, hindi parin maiaalis ang katotohanang magkasama silang dalawa. He cheated on me! Kahit pa walang usap ukol sa status namin 'no!

Maybe that's the reason why he doesn't want to talk about those topic over the phone.

Pumosisyon sa red line upang bara-barang sanang ihahampas ang mashie, nang mayroong matigas na bisig na sadyang pumalibot sa'king maliit na katawan.

"That's not the right position Bubbly girl," malumanay na saad ni Lyndon sa tapat mismo ng tenga.

"Stay away from me. I don't care if I'm not gonna be expert on smashing this golf ball," mariing saad dito.

Bumuntong-hininga ang binata ngunit 'di nagpatinag, imbis ay hinawakan ng mahigpit ang aking kamay.

"I didn't do anything wrong with you."

"Really?" I sarcastically said.

Parang hindi nakahahalata ang mga tao sa bandang likuran, na sadyang nag-uusap kami ukol sa kung anong bagay sapagkat mahina lamang ang boses ng lalaki't maging ako. Malayo kung ikokompara kina Troy at Jana'ng halos lantaran ang selosan sa pagitan ng dalawa.

"You didn't allow me to atleast explain my side," seryoso ang binata.

"Para saan? I'm not even your girlfriend to oblige yourself,"  bulong ko.

"You're perfectly right!" halatang napikon ang binata.

"Fast-learner ka pala Samantha," he pretentiously said before he went afar from me then go back to the bleacher.

"T-Thanks" I stuttered.

Ni hindi lumingon si Lyndon matapos lumayo animo nagalit talaga sa mga sinabi rito. Siya pa talaga may karapatang magalit pagkatapos niyang maglihim sa'kin? Woah!

Napipikang pinaghahampas nang sunud-sunod ang bola kahit walang tumama o lumusot sa mga hole, hanggang sa binitiwan ang mashie saka padaskol na naupo sa couch.

Iniirapan ang mga tawanang namumuo kay Cassy at Lyndon, ngunit mas lamang ang animo punyal na nakatarak sa puso dahil sa panibughong nararamdaman. Kapagkadaka'y nagpasyang lumapit kina Lemme ngunit napakunot-noo sapagkat hindi naabutan ang kaibigan.

"Hey where's Jana?" tanong sa fiance' nito.

"I've been looking for her also..." anang tsonggo na talagang pinapayungan ng mga bodyguards nito.

"Let me call her up!"

I dialed her digit but no one's answering on the other line. Saan nagpunta si Jana?

Nagsilapitan ang HOMIGEN matapos mapansing natataranta kahahanap sa matalik na kaibigan.

"Baka naman namasyal si Jana sa ibang lugar?" ani Xavier.

HOMIGEN SERIES IV: "Kiss And Make-Up"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon