NANG MAKABALIK SA MANSYON ay kaagad nagmano sa ama saka dire-diretsong tutungo sana sa kwarto nang tumikhim si Daddy.
"Hindi ka raw nakita ni Toby sa mismong loob ng birthday party,"
"D-Dad?"
"Saan kayo nagpunta ng lalaking 'yon?"
"S-Sino po?"
"Huwag kang magkaila Samantha Añorivas!" seryosong untag ng ama.
"Daddy..."
"Siguraduhin mong hindi ka magkakamali dahil ang lalaking iyon ang sasalo ng lahat ng mga kapalpakan mo!" pagbabanta ng ginoo.
Hindi nakakibo saka tuluyang pumanhik sa hagdanan ngunit masama ang loob sa ginagawang paghihigpit ng ama. Maling makipaghalikan kay Lyndon subalit alam sa sariling responsable ang binata kaya kailanman ay hindi magagawang saktan nito.
Humiga sa malaking kama ngunit makailang sandali'y tumunog ang phone at mabilis nag-register ang profile photo ng lalaki. Bigla ang pagbangon ng kaba sa puso kaya hindi maiwasang mangatal bago tuluyan sagutin ang video call.
"Hi bubbly girl, are you gonna sleep now?" using his husky voice.
Nasa higaan ang binata habang nakasuot ng puting kamisetang hakab sa kanyang malaking kaha. Kitang-kita sa video ang namumukol nitong biceps rason upang makaramdam ng kakaibang init sa pisngi. Bakit kaya bagay na bagay kay Lyndon ang white glass samantalang kung ikokompara sa ibang lalaki'y tiyak magmumukhang nerd o weird ang mga ito. Nasaan ang hustisya?
"I'm a-about to sleep actually," iniwas ang mata.
Dumapa ang binata habang nakatunghay sa'kin hanggang sa namayani ang katahimikan.
"Why are you crying?" he said softly.
"No, I'm not" tanggi rito.
"Tell me bubbly girl. Is it because of me?" malumanay niyang sabi.
"Its Dad."
"I see. Anong gusto mong gawin natin?"
"W-Wala"
"You want me to come over in your house tomorrow? Manghihingi ako ng permiso sa kanya para--"
"No! I mean---don't please?" pakiusap sa lalaki.
Bumuntong-hininga ang binata habang matamang nakatunghay sa'kin. Sa ilang buwang pagkakakilala sa binata'y madaling nakabisado ang magagandang karakter ni Lyndon lalo't pagdating sa mga babae. He's always been very respectful or not even afraid to accept his mistakes.
Lyndon will be able to take fully responsible of anything therefore, if he would found out that my father really wanted to talk to him or asked. why we were seldomly seen together, I'm hundred percent sure that Harold Añorivas will put Lyndon under his manipulations. Ayokong dahil sa'kin ay mahirapan ang ibang tao para lamang sa pansarili kong kaligayahan.
"Are you sure?" he bitten his lowerlip.
"Yes."
"When I confessed my trill feelings, you were totally aware of how much I'm serious about it, right?"
Bahagyang tumango bilang sagot sa lalaki, ngunit hindi iyon ang mas ikinabahala kundi ang magiging kalalabasan o reaksiyon ni Daddy patungkol sa namamagitan sa'ming dalawa. Ngayon lamang napagtanto ang mga ganitong eksena, sapagkat masyadong naging padalus-dalos sa nararamdaman para sa binata subalit hindi ko kayang ihinto na lamang basta.
"I told you that this kind of love is very new to me. Kaya kung anumang adjustments para lamang maging maayos 'to edi gagawan natin nang paraan." ngumiti si Lyndon rason upang mas naging panatag ang aking kalooban sa mga salitang binitiwan ng lalaki.
BINABASA MO ANG
HOMIGEN SERIES IV: "Kiss And Make-Up"
Romance"I LOVE YOU LYNDON!!!!" - Samantha A funny man who has a cold ticker that every women on elite circle desires to capture his insensitive heart. He's a total easy goer yet wicked tycoon of HOMIGEN. Samantha Añorivas, nineteen-year-old stunner who l...