KABANATA 19

238 9 0
                                    

LYNDON'S face became serious as hell when I told him about the things we should have face.

"Anong gusto mong pag-usapan?"

"Tungkol sa'ting dalawa..." kumibot ang labi.

He bitten his lips as if the man is very agitated about the topic I opened up with him.

"Anong tungkol sa'ting dalawa?"

"You've been a very good boyfriend and I think...I don't deserve a guy like you."

"Easy to leave, right?" hindi maintindihan ang emosyong pumapaloob sa mukha ng binata.

"Lyndon I'm so sorry, I didn't mean to hurt you..."

"Bakit mo sa'kin ginagawa 'to Samantha?"

"Simple, hindi na kita mahal. Naiintindihan mo ba?"

"I don't believe you!" anang lalaki.

Pinatapang ang mukha bago tinitigan siya sa mga mata upang hindi mahalata ni Lyndon kung gaano kasakit sa'king pakawalan siya, subalit kailangan, kailangan kong baguhin ang sarili o maging tama para sa lalaki kung sakaling bibigyan uli nang tiyansa ang pagmamahalan naming dalawa sa hinaharap. Mas gugustuhin kong makasama niya ang ibang babaeng karapat-dapat para sa kanya.

"Then don't. I won't force you to believe me but you will never expect me to reciprocate your effort anymore. Mahihirapan ka lamang kaya kung ako sayo tigilan mo na Lyndon. I suddenly realized that we're not meant for each other."

Halata ang pagkadismaya sa mukha ng binata habang umiling-iling tila hindi makapaniwalang sinasabi ang mga masasakit na salitang iyon.

"Paano mo nasasabi 'yan na parang wala akong naging parte sa buhay mo?" Lyndon cried in front of me but I refused to look at him because he might get easily melt my heart.

"Baka wala naman talaga, baka akala ko cool ka kasama pero ang totoo Lyndon? You're the most boring person I've known..."

Bumuntong-hininga ang lalaki sa mga narinig mula sa'kin ngunit nanatili itong bingi sa mga sinasabi ko laban sa kanya.

"Nasasabi mo lamang 'yan dahil nahihiya ka sa nangyari. Mahal gumagawa ako ng paraan para---"

"Shut up! I don't care about the video, I don't care about you do you understand me? Akala ko ba matalino ka? Anong mahirap intindihin sa ayoko na sa'yo? Boring, control freak like my dad and you're too good to be true. Bumalik ka sa mga lolo't lola mo at paniwalain ang sarili mong may forever! Leave---"

His jaw clenched and punched the side of the main door before he sauntered out from the mansion. Matapos marinig ang ugong ng sasakyan tanda na umalis na ang lalaki palayo sa mansyon, doon pa lamang unti-unting naupos na parang kandila saka nanghina ang mga tuhod at napaupo sa sofa. My tears started to fell down on my cheeks 'cause of thousand heartaches which brought me from the pit of devastation.

Kung gaano kasakit ang mga sinabi sa binata'y doble ang sakit para sa'kin dahil nasaktan nang tuluyan ang lalaking walang ginawa kundi mahalin ako ng lubusan. He really doesn't deserve a woman who has a lot of scandals, mistakes and issues within her life. Hindi talaga kami bagay sapagkat ayokong maging taga-ayos lamang ng mga kapalpakan at gusot si Lyndon, at kung ako man ang may problema ayokong mandamay ng ibang tao. Pipiliting maayos ang lahat sa sariling paraan nang hindi nanghihingi ng tulong sa iba.

ILANG LINGGONG hindi pumasok at madalas ay nagkukulong sa kwarto. Alam na rin nilang wala na kami ni Lyndon kaya lalong lumayo ang loob ni Daddy sa'kin. Lyndon for him is the perfect guy for me and so I presumed but if I'm going to pursue the lad again, I must be the best version of myself. Gusto ko kung sakali mang babalikan ang lalaki'y karapat-dapat na sa pagmamahal ng binata. Ayokong maging pagkakamali ng lalaki na pinatulan niya bilang nobya ang isang babaeng walang pangarap at palaging nakadepende sa kapwa.

HOMIGEN SERIES IV: "Kiss And Make-Up"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon