KABANATA 3

316 12 2
                                    

"I'M NOT A PROFESSOR, I'M A FUCKING BUSINESS TYCOON," halos isubsob ang mukha sa unan dahil paulit-ulit sumasagi ang mga salitang namutawi sa bibig ng lalaking hinahangaan.

What the heck Samantha! Where did it come from? Saan mo nakuha ang tapang para alukin ang isang Lydon Santiago? Kulang ang lahat ng scores na nakukuha mo sa loob ng maraming taon kung achievements ang pag-uusapan. Sino ka para humingi ng pabor sa kanya? Close kayo?

"Aish! Stupid moves Samantha!"

Pinilit makatulog kahit hindi dalawin ng antok dahil sa medyo overdue na sa kahihiyang tinatamasa sa binata.

Umagang-umaga ng nagmamadaling umalis sa mansyon kung kaya hindi maiwasang kwestiyunin ng ama ukol sa mga pinagkakaabalahan nitong mga nakaraang araw. Simula kasi nang malaman ni Harold Añorivas ang kapalpakan sa academics ay mas naging mahigpit ang matandang lalaki lalo't nag-iisang anak at magiging susunod na tagapamahala ng kanyang mga ari-arian.

Malalim na buntong-hininga ang nagawa dahil sa kalagayan ukol sa standing sa klase hanggang sa may pumutol ng pagmumuni-muni ko.

"You seemed worried young lady?"

"P-Po?"

Malapad na ngiti ang bumungad sa'kin mula sa ginang na nagmamay-ari ng Love in 60's Cafe. Naging bisyo na yatang tambayan ang coffeeshop ng oldie couple sapagkat sa kanila na lamang kumakapit para maniwala sa salitang forever.

"Mukhang palagi kang problemado iha? Sa t'wing tutungo ka rito palaging tambak ang mesa mo ng mga aklat,"

"K-kasi po nahihirapan ako granny,"

"Granny? I love your endearment darling." magiliw na saad nito.

"I apologize..." medyo nahiya sa pagiging feeling close.

"By the way, I'm Paulina and my handsome prince over there...he is Andres,"

"Wow. Can I call you Granmy Lina and Granpy Andres?" inosenteng tanong sa matandang babae.

"Of course, since you'll be my regular customer..." magiliw na saad ng ginang.

Nabanggit dito ang problema ukol sa mga lesson sa eskwela kaya sinabihan ni Granmy Lina'ng kumalma at huwag i-pressure ang sarili. She also put my favorite combo on my table and encouraged me to do well in acads. Nakakainggit ang mga apo nina granmy at granpy dahil mababait sila 'di gaya ni Daddy'ng sobrang istrikto samantala, si Mommy namang palaging kimi sa lahat nang desisyon ng patriarko.

Ilang oras nanatili sa coffeeshop ngunit bigong masilayan ang binata kaya malungkot na niligpit ang mga workbooks. Nagpaalam sa dalawang matanda bago tumulak patungong bungad, halos laglag ang balikat at wala sa sarili dahil nalalapit na'ng second assessment subalit ni wala pa'ring pumapasok sa utak.

Nasa gano'ng malalim na pag-iisip ng hindi sinasadyang mabunggo ang crew. Tumilapon ang mga aklat na hawak at nabuhos maging ang milktea hindi lamang sa sahig pati sa damit...damit ni Lyndon Santiago. Nanlaki ang mga mata, tila naestatwa sa seryosong mukha ng binata na kasalukuyang nakatayo sa transparent door.

"Sir sorry..." anang crew.

Mariing nalunok ang malaking bara sa lalamunan dahil diretsahang nakatingin ang binata hindi sa crew kundi sa'kin.

"Ah--s-sorry I didn't mean.." yumuko habang nakapikit ngunit ni walang hiyaw o galit na narinig mula kay Lyndon bago pumasok sa loob.

"Clean up your mess..." bulong nito nang mapatapat sa'kin.

Nanatiling nakayuko animo naestatwa hanggang sa kunin ng crew ang atensyon upang i-abot ang mga libro saka binuklat ang mga ito, subalit halos manlumo nang hindi mabasa ang ilang mga pahina dahil sa mantsa. Mangiyak-ngiyak na tumakbo sa labas kapagkadaka'y eksaktong pumarada ang sundo kung kaya nagmamadaling lumulan dito.

HOMIGEN SERIES IV: "Kiss And Make-Up"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon