I, Samantha Añorivas whom waiting for this man to accept my sincerest apologies literally strucked my ticker as hell when he brought his new woman in front of our friends. Hindi ko alam kung paano kikilos sa harap ng mga kaibigan lalo't nararamdaman nilang hindi maayos ang pangyayari.
"HI, EVERYONE. I want you to meet my girlfriend, Myla Cardenas," pagpapakilala ng binata sa grupo ngunit imbis bumati ang mga ito'y matik na naglakbay ang mga paningin nila sa gawi ko.
Hindi ipinahalatang nasasaktan kahit parang dinaanan nang pison ang puso dahil sa ginagawa ng binata. She's pretty but not beautiful as hell like me. Hindi ako patatalbog sa isip dahil tanging dito na lamang makagaganti sa nararanasang sakit dulot nang pagkakamali. Tila hindi gusto nina Jana ang presensiya ng mga kaibigan ni Tanya na hayagang nilalandi ang HOMIGEN kaya't nagpasya ang HOMIGEN GALS na humiwalay nang couch sa mga ito maliban sa bagong kaibigang si Destiny na sadyang nagpaiwan sa circle nina Lyndon kahit kung tutuusi'y out place na'ng dalaga.Napakasakit sa'kin ang makita siyang masaya sa piling ng iba. Parang nginangatngat ang puso nang sampung mga daga dahil sa nararamdamang selos
"Fuck you, Lyndon Santiago, for making me feel this way," I whispered through air.
Habang nagkakasiyahan ang ilang mga kaibigan sa naturang bar hindi mapigilang maging sentimental nang ipinakilala ng hudas ang bago raw nitong kalampungan. Bulag ba siya para hindi makitang mas maganda ako sa babaeng hinaharot niya. Kulang na lamang magtinda ng funda 'tong babae dahil sa kapal nang apog este foundation sa mukha. Myla Sardinas daw ang pangalan o kung sinuman siya hindi ko mapapalagpas ang mga pambabalewalang ginagawa ni Lyndon. He is mine, only mine, come high or hell water!
Nagkaanak na't lahat si Jana at Troy samantalang ako ni dilig o wisik nang katas ng lalaking 'to wala?! Aba masyadong nagpapakipot. Buti pa kaibigan ng kumag alam ang salitang pagsuko ng Corregidor sa Bataan ni Jana Buenaventura. Ang sarap pag-umpugin nitong dalawang hayok sa laman. Nasa kabilang couch kami dahil masyadong mataas ang ego upang maglumuhod sa lalaking walang ginawa kundi pasakitan ang isang Samantha Añorivas. Hindi pa rin yata nakakamove-on sa nangyari kaya halos ganito kasukdulan ang galit niya sa'kin? It's not my fault if I have to prioritize my life. I have to be better exclusively for his own sight and not the vulnerable lady he used to love, whom not even know how to boil an egg or cook for him before. I was a failure and no match with his capabilities. My own father likes Lyndon Santiago more than me and he became indiferrent when I tried to choose my own will especially when I left his unripened son-in-law.
"Hey girl, kung may laser lamang 'yang mata mo, kanina pa siguro natunaw 'yang dalawang unggoy sa kabila," putol ni Andy sa lalim ng iniisip ko.
"Kung puwede lamang i-utos kay Troy na isilid 'yang kaibigan niya at iregalo sayo sa birthday mo ginawa ko na, besh," susog naman ni Jana.
Marahil hindi maiwasang maging transparent sa mga kaibigan kung kaya halata sa itsura o kinikilos ang kalungkutang lumulukob sa pagkatao. I can't deny my angst towards his nasty attitude if I am with his circle.
Hindi ako kumibo at basta na lamang inagaw ang vodka'ng hawak ni Suzy. I straightly drank it up and didn't look after the people around me.
"Hey, dear, easy," inakbayan ni Susana dahil alam nitong nagpupuyos ang kalooban sa mga nakikitang sweetness sa pagitan ng mga ito.
"What do you want us to do, huh?" tanong ni Louella saka kumindat ang babae na parang may binabalak.
"What do you mean, girl?" anas ni Sophie.
"Leave it to me," she winked.
Napailing si ate Jade at Leah dahil sa binabalak ng babae ngunit wala naman sa'kin kung hindi niya pansinin. Ang tanging inaalala lamang ay nakapangako sa amang si Lyndon ang aking mapapangasawa pagdating sa panahong tapos na'ng mga dapat unahin sa buhay ngunit sa nangayayari'y tila malabong matupad sapagkat sukdulan yata ang nalikhang galit sa puso ng binata magmula nang hindi sumipot noong araw na 'yon.
BINABASA MO ANG
HOMIGEN SERIES IV: "Kiss And Make-Up"
Romance"I LOVE YOU LYNDON!!!!" - Samantha A funny man who has a cold ticker that every women on elite circle desires to capture his insensitive heart. He's a total easy goer yet wicked tycoon of HOMIGEN. Samantha Añorivas, nineteen-year-old stunner who l...