'That's my ultimate goal!'
Ang tanging pinoproblema'y welcome kaya ako sa bahay ni Granmy? Baka ipagtabuyan o kagalitan kapag dumalaw sa kanya? Dapat maging maaga upang sa gayon hindi halatang sinadya ang pangyayari para guluhin sila.
The naughty smirked was shown on the corner of my lips.
"Manang, nakahanda na po ba ang lahat?"
"Iha, kanino ang lahat nang pinaluto mo?" nagtataka ang katiwala.
"Basta Manang. Put those food behind my car 'coz I am getting late." napakamot na lamang ang kasambahay saka inutusan ang ilang kasamahan upang tulungan sa pagbubuhat patungong backseat.
Bumili rin ako nang malaking cake at ilang prutas para sa matanda. I feel so nervous yet excited because it's been years of not seeing the old woman. Nagpasya na maagang pumunta para kung sakaling hindi tanggapin ni Granmy Lina'y mayroon pang paraan upang makaalpas ng hindi inilalagay ang sarili sa bingit nang lalong kahihiyan.
Napakagat-labi habang nagmamaneho at panay ang kuskos ng palad sa pantalon dahil namamasa at nanlalamig ang mga kamay. I even bitten my lowerlip and couldn't able to anticipate the scenarios which keeps on boggling through my mind.
Iniliko ang sasakyan sa daan papasok sa village ng kinatitirikang mansyon ni Grandmy Lina. Ilang minuto ang lumipas nang iparada sa gilid ang SUV upang magtanong sa gwardiya na kaagad namang kumilos para ipaalam sa katiwala'ng dumalaw ako.
Lumitaw sa maliit na pintuan ng gate ang kanilang kasambahay. Kapagkadaka'y umaliwalas ang mukha ng babae, saka tuluyang pinapasok sa loob.
"Ma'am Samantha! Naku, ang tagal na po nating hindi nagkikita! Kumusta na po kayo?"
"M-Mabuti po. Mayroon po akong pasalubong sa inyo."
"Salamat, Ma'am." tuwang-tuwa ang katiwala.
"Uhm, nasaan po si G-Granmy Lina?" halos mautal at biglaang gumapang ang kaba nang banggitin ang pangalan ng ginang.
"Nasa kusina si Senyora. Nagluluto ng tanghalian dahil...d-dadalaw si Senyorito L-Lyndon." medyo nag-alinlangan ang kasambahay nang mabanggit ang pangalan ng binata.
Instead of getting startled, I just calmly overthrown some glimpse of smile.
Inanyayahan ako nang kanilang katiwala papasok sa loob, kalauna'y pinaupo sa sala habang ipapaalam daw muna ng babae ang aking pagbisita. Samantala, hindi mapigilan ang pusong manakit lalo't namamasdan ang kabuuan nang mansyong halos walang ipinagbago. Maya-maya'y dumako ang mga mata sa mga picture frames at ilang litratong nakadisplay sa sala.
It was all the elated memories we'd shared right before the tragic thing happened between me and Lyndon. Kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata ng dalawang matanda kasama sina Lolo Gavin at Lola Rosa. Napansin din ang mga litratong kuha sa farm habang magkayakap kaming dalawa ni Lyndon. Lalong bumigat ang nararamdamang sakit sa puso, maging ang inuusig na konsensiya sa pagiging selfish noong mga panahong iniwan ang binata. I don't really deserve their kindness 'cause I failed Granmy Lina or Granpy Andres on making their grandson happy. Kung kailan wala nang pag-asa, doon ako kumakapit na baka mayroon pa...
"I-Iha?" anang masuyong boses sa likuran.
Natigilan sa mga tumatakbong bagay sa isip at halos manginig sa kaba. My heart is throbbing and I'm having a cold feet whilst hearing her gentle voice behind me.
"G-Granmy..." tuluyang lumingon sa ginang ngunit hindi halos makatingin dito.
"Come here, apo."
Nagulantang sa mga huling salitang nadinig sa ginang na lalong nagpabigat sa puso, rason upang bumaha ang luha sa mata saka nagmamadaling sinalubong ng yakap ang senyora.
BINABASA MO ANG
HOMIGEN SERIES IV: "Kiss And Make-Up"
Romance"I LOVE YOU LYNDON!!!!" - Samantha A funny man who has a cold ticker that every women on elite circle desires to capture his insensitive heart. He's a total easy goer yet wicked tycoon of HOMIGEN. Samantha Añorivas, nineteen-year-old stunner who l...