EVERYONE IS WAITING for their assessment results so as me therefore I'm very anxious about mine. Nanlalamig ang aking mga palad sa maaring kalabasan ng resulta. Kapagkadaka'y pumasok ang guro habang kipkip ang mga papel. OMG! I can't imagine myself being in the last row. Not now Lord I'm begging you!
Ms. Linares cleared her throat before putting all the stack of sheets over the table.
"Everyone did a great job hence, if I called out your name then get your results. Are we clear?" anito.
"Yes Ma'am" sabay-sabay na sumang-ayon sa butihing guro.
Unang tinawag si Xander Furr kung saan abot langit ang tuwa ng makita ang nakuhang scores. He wailed his both arms as if he won some championship tournament. Sunud-sunod na tinawag ang mga kaklase hanggang sa ika-labing limang estudyante kasama ang matalik na kaibigan. Umaasang sunod na matatawag kahit pangdalawampu ngunit hindi 'yon nangyari.
"And lastly...Samantha Añorivas," seryoso ang mukha ni Ms. Linares.
Nanginginig ang mga paang tumungo sa harapan saka inabot ng guro ang naturang testpaper, subalit parang ayaw tanggapin dahil baka mas madismaya kung tuluyang isampal sa'kin ang letter F at D sa itaas ng pangalan ko.
"Ms. Añorivas you have to give your best shot in the next and last term of this schoolyear" she sullenly said.
"But I-I did,"
"It's okay Samantha, don't pressure yourself and let go all those negativities. Everyone has their own craft.." pagpapalakas-loob ni Ms. Linares.
"Thank you Ma'am" I nodded.
Pagbalik sa kinauupua'y marahang tinapik ni Jana bilang pang-aalo sa bigat ng nararamdaman. I put all my testpapers inside my bag without even checking it. Ayokong ipakita kay Daddy sapagkat lalong madadagdagan ang pagkadismaya ng ama. Buong maghapong wala sa mood kahit halos maubusan na'ng jokes si Nana, ngunit kimi lamang ang palaging sagot sa kaibigan. She didn't invite me to go out or something unlike the usual, maybe because Jana knew how much I'm very upset with my test results.
Nang makalabas ng eskwelaha'y magalang na binati ni Manong Toby ngunit hindi umimik imbis ay tahimik na lumulan sa backseat. Ilang minutong tumatakbo ang sasakyan ng maputol ang malalim na pag-iisip ng magsalita ang driver.
"Senyorita Samantha hinihintay po pala kayo ni Don Harold kanina pa," imporma nito.
"B-Bakit daw po?" napaigtad ng marinig ang pangalan ni Daddy.
"Wala po akong ideya pero mukhang maaliwalas po ang mukha ng Daddy ninyo..."
Piniling hindi makipag-usap kay Manong Toby dahil lalong nadagdagan ang kaba sa mga nalaman sapagkat mas kilala ang ama sa pagiging unpredictable nito.
Maya-maya'y pumarada ang sasakyan sa garahe ngunit napakunot-noo dahil sa hindi pamilyar na mga sasakyang nakabalandra sa malawak na solar. Dali-daling tumungo sa loob at doon nabungaran ang ilang mga kasosyo ni Daddy kasama ang kani-kanilang mga anak na binata at kadalagahan. Their all six pairs of eyes peered at me when I went inside the house.
"Here she is..." anunsiyo ng aking ama.
"Your heiress is beautiful as your wife..." bati ng isang bigotilyong lalaki tila nasa kwarenta ang edad habang kasama ang anak na dalaga.
"Alam mong hindi ako pumipili ng 'di de kalibre kumpadre," ani Harold Añorivas saka nagsitawanan ang mga ito.
"Come here Samantha..."
"Y-yes Daddy," I got shivered while getting near them.
"Your daughter seemed shy Harold," anang isang ginang.
BINABASA MO ANG
HOMIGEN SERIES IV: "Kiss And Make-Up"
Romance"I LOVE YOU LYNDON!!!!" - Samantha A funny man who has a cold ticker that every women on elite circle desires to capture his insensitive heart. He's a total easy goer yet wicked tycoon of HOMIGEN. Samantha Añorivas, nineteen-year-old stunner who l...