Code 7: The Biased Judgement

15.4K 510 50
                                    

*** Someone's Point Of View ***

 "Anong sinabi mo?! na pilot ng babaeng hacker na yun ang Valkyrie Unit na yun?!"

"O..Opo.. sir.. hindi nga po kaming makapaniwala saaming nasaksihan kani kanina lang..."

Nanginginig na sagot ng isa sa mga aking mechanic crew sa wing via phone.. hindi ko maiwasang magulat at mamangha at the same time saaking nalamang balita...

"Nasaan si Capatain Helsberg?"

"Na..naririto po..."

Narinig ko ang pagpasa ng telepono at di tagal ay nagisnan ko na ang makapal na boses ng kapitan...

"Anong balita diyan, Helsberg?"

"Nasa ayos na po ang lahat.. ibinababa na namin ang nasabing babae mula sa unit.. hindi nga namin mabuksan yung pinto ng unit.. kaya napilitan kaming alisin ang power source nito manually at kunin siya sa loob.."

"Ayos lang ba ang babae?"

"Oo.. ayos lng siya.. nawalan siya ng malay sa loob kaya di na niya nabuksan ang pinto..tinitignan na siya ng mga doktor at nurse ngayon.."

Napahigpit ang aking hawak saaking fountain pen at napatayo mula saaking office chair.. napadungaw ako sa may glass window at nakita ang iilang mga sundalo mula sa labas.. nakita kong dumaan ang isang matangkad na lalakeng may ginintuang buhok..

"Nakabalik naba si Lieutenant Meinhardt?"

"Mariing tanong ng kapitan mula sa kabilang linya.."

Napatingin ako saking desk.. 

"Oo.. mukhang nakabalik na siya mula sakanyang leave.."

"Ano nang gagawin natin sa babaeng to?"

Napaupo ako muli saaking upuan at pinagmasdan ang mga isda mula saaking crystal aquarium sa loob ng opisina..

"Ingatan niyo siya.. isa siyang mahalagang piece ng puzzle.. and tell the medical personel to take some samples of her blood..."

Medyo natigilan ang kapitan sa kabilang linya..

"Ibig sabihin..."

"Oo.. we dont have any choice... Palay na ang lumalapit sa manok... its our chance... aalamin natin ang mga bagay bagay sa babaeng yan... we must take her on our side right away kung mapapatunayang totoo nga ang hinala natin sakanya...."

"Okay then..."

At narinig ko ang pagbaba ng telepono mula sa kabilang linya... ibinababa ko yun at nagsimula nang mag dial ng ibang number.. di tagal ay narinig ko ang pag ring sa kabilang linya...

"Good Afternoon~ Xavierheld Law and Justice Office.. how may I help you?"

*** End of Someone's Point Of View ***

*** Stella's Point of View ***

"Stella....Stella...."

Narinig ko ang isang mahinahong boses na tumawag saakin.. dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata..at nakita ko si Captain Helsberg mula saaking paningin..

"Ca..Captain.. Hels..."

"Wag ka nang mag salita pa..."

Nang inumulat ko ang aking mga mata ay tila bay nararamadaman ko ang paggalaw ang aking paligid.. napalingon ako at natanto ko na nasa loob ako ng isang tumatakbo na ambulansya..

"Huh? saan nyo nanaman ako dadalhin?!"

Medyo pumalag ako at agad naman akong hinawakan nung Kapitan..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon