Code 54 : Shattered Memories

6.8K 198 87
                                    

Hunterson Galactic Base, Earth Alliance Sphere, Planet Earth 2245H (10:45pm)

*** Commander Belle's Point Of View ***

Isang mabigat na paghataw ang umugong sa isang maliit at masikip na silid. Pinagmasdan ng aking mga mata ang pagpatak ng iilang mapupulang dugo na nag mula sa gilid ng bibig ng binansagang pinakamagaling na piloto ng Xavierheld.

Buong tindig kong pinagmasdan ang kanyang ginintuang buhok na naanigan ng kakarampot na liwanag na hatid ng isang patay-sindi na ilaw sa loob ng madilim na silid.

Dahan dahan lumuhod ang aking pinuno at marahang sinunggaban ang duguang sihang ng nasabing kapitan. Hindi niya alintana ang mapulang dugong nagmamantsa sa puting gwantes na kanyang suot.

Nasilayan namin ang bagsik sa mga asul na mga mata ng nanghihinang kapitan na nagapos. hindi na niya nagawa pang ikubli ang matinding galit matapos na marinig ang buong katotohanan mula sa isa sa mga taong nagbigay buhay sakanya sa sawing mundong ito.

Pilit siyang kumawala mula sakanyang pagkakagapos at mabilis na iniyugyog ang kanyang ulo upang makawala sa matatalim na hawak ni Vincent.

"Ngayon ay sa tingin ko naman ay sapat na ang nalaman mo. Hindi ka namin ginawang tanga upang hindi makuha ang lahat ng iyon."

"Wala kang ipinagkaiba sa isang demonyo, Vanguardia!"

Napapikit si Vincent at gumuhit ang isang kakaibang sarkastikong ngiti sakanyang mga labi.. At sa isang iglap, narinig muli ang isang malakas na pag hataw sa mukha ng nasabing pangahas na kapitan.

Agad na dumapo saaking mga paa ang tumilapong duguang guwantes ni Vincent gawa ng kanyang lakas sa pagkahataw sa kahabag habang na piloto ng Xavierheld.

Pikit mata akong napaiwas saaking nasaksihan.

"Kaunting utang na loob naman diyan, Experiment A03..tandaan mo, kung hindi dahil sakin ay hindi ka mabubuhay ngayon."

Sa kabila ng matinding panghihina ay agad na tumingala ang binatang piloto at mabilis na idinura ang duong namuo sakanyang bibig.

"Hindi Experiment A03 ang pangalan ko. Vaughn Meinhardt is the name."

Matalim pa sa isang espada niya kaming tinitigan gamit ang kanyang asul na matang balot ng naghihimutok na galit habang walang takot na ngumiti ng sarkastiko.

"Wala kayong makukuha sakin. kahit pagpirapirasuhin nyo pa ang katawan ko, wala kayong kahit na kakarampot ng impormasyong makukuha sakin! wag mo akong ihalintulad sa tuta mo, Vanguardia."

Agad na nabura ng mapanglarong ngiti ni Vincent nang marinig ang pagkabanggit sa kanyang pamangkin.

"Hmm.. Hindi ko akalaing malalagyan parin ng bahid ng katangahan yang matalino mong utak despite of our modifications."

Marahas na hinila ni Vincent ang kuwelyo ng suot na space suit ni Vaughn at malupit na hinila ang isang kwintas na may ginintuang singsing mula sa leeg ng binatang kapitan.

"At ano sa tingin mo ang tawag mo rito, Vaughn?"

Mabilis na kumalas ang pilak na kwintas at pumulupot sa mga kamay ng admiral.. Pinagmasdan niya ang matatalim na tingin ng kapitan habang dahan dahang tumayo.

"Isa ka rin sa mga nagmagadang loob na tumulong saamin, Captain Meinhardt."

"Anong ibig mong sabihin?!"

Maingat niyang nilaro sakanyang mga nakagwantes na kamay ang nasabing singsing habang bakas sakanyang mga labi ang kakaibang mga ngiti.

"Ang mga singsing na ito ay nilikha namin ni Alfred bilang tanda ng inyong pag iisang dibdib ni Stella sa hinaharap. In other words, the two of you are bounded to get together and reproduce in order for ANGELS to survive. ngunit hindi lamang ito isang pares ng ordinaryong singsing, pagkat.."

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon