Code 2: The Part Time Job

27.2K 741 57
                                    

*** Stella's Point Of View ***

"O ano pang hinihintay mo miss? sakay na..." 

Maligayang yaya nung manyak na lalake habang nakangiti saakin.. what the hell is happening here? haller?! hindi pa maluwag ang turnilyo ko sa ulo para sumama sa isang total stranger na nameet ko for only a couple of hours..

Napapikit ako at nagsimula nang maglakad palayo sa mokong na to.. halatang nagulat siya saaking ginawa at sinunadan ako sa tabi ng daan gamit ang magara niyang Sports Car..

"Te..teka miss.. ayaw mo bang sumama? ililibre lang naman sana kita ng lunch or ng kahit na ano.. pasasalamat ko lng.."

"Ayaw ko.. umalis kana.. busy ako.. may pupuntahan pa ako.."

Hindi ko siya tinignan at dumerederetso ng lakad.. 

"Saan kaba pupunta? ihahatid na kita..."

"Wala kana dun.. pwede ba iwan mo ako.."

"Sure?"

Grrrr!!! 

Agad akong napa tigil sa paglakad at napatingin sakanya na tumigil din sa tabi ng daan..

"Look here pal! to be honest hindi ako sasama sa isang tulad mong manyak at babaero! baka rapin mo pa ako!! wag kang feeler! Im just concern for my safety!"

Napatingin lang siya saakin na pra bang confused.. 

"Geez.. ganun ba tlga ako sa tingin mo?? uhm... okay.."

"Good!"

Agad kong pa snob na tinalikuran yung manyak na lalake nang biglang..

BLAAAAGGG!!

Hindi ko na namalayang nasubsob ako sa matigas na sahig ng park nang biglang matapilok ako dahil sa high heels kong suot..

Oh Sh*t! ghad! ang poise ko!! nakita kaya nya un?? pahamak talaga tong bakyang to! taena yan!

Nang biglang narinig ko ang kanyang sasakyan na tumigil sa tabi ko..

"Nakita ko yun... haha.."

Oh noooo!!! Sh*t nakita niya!! ghaaadd!! 

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse niya.. pinagmasdan ko ang kanyang madaling pagbaba at agad niya akong nilapitan..

Napaupo siya sa may tabi ko habang tila'y nag swswimming parin ako sa sahig..

Pagalit kong pinagmasdan ang kanyang mukha na tila bay may halong pag aalala habang pinipigilang tumawa... eh gago pala ang isang to!

"Ayos ka lang ba miss?"

"Ano satingin mo ha?!"

Sarcastic kong tanong sakanya... pinagmasdan niya ang paa kong namamaga..

"Mukhang hindi mo na kakayanin pang mag lakad..."

Napatingin siya saakin at ngumiti.. tila bay natigilan ako sa mga ngiting yun..

Nakaka akit.. Pambihira! kaya naman pala ang daming chix na nagkakandarapa sakanya.. 

****************************

Napatigil kame sa isang intersection nang umilaw ng Red ang stop light.. hindi ko parin inalis ang aking bantay sa lalakeng to habang nakaupo ako katabi niya sa front seat..

Damang dama ko ang hangin saaking mukha pagkat walang bubong ang kanyang sports car..

"Naiinitan kaba miss? gusto mong ilabas ko ang roof?"

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon