Code 27: The Survival Camp

11.9K 330 46
                                    

*** Stella's Point Of View ***

"BLARRRRRGGGGHHHHH!!!!"

Hindi ko na maintain pa ang aking poise nang tuluyan nang bumigay ang aking tumatagilid na sikmura dahil sa sea sickness na nagpapahirap sakin mahigit 2 oras na..

Napa ubo ako ng malakas habang napahawak sa metallic railings ng barko..

"Pang apat mo na yan ahh.. grabe.. kulang nalang isuka mo na bituka mo..haha.."

Natatawang sabi ni Vaughn habang patuloy niyang hinihimas ang aking likod.. agad niyang inabot ang isang bottled water at agad naman akong nagmumumog..

I looked at him with that sharp stare habang pinunas ang aking bibig..

"Whatever.. eh kasalanan ko bang may sea sickness ako ha?"

Napalakad siya saaking tabi sabay kamot sa kanyang blonde na buhok na banyad na sumasama sa hangin.. Napangiti siya saakin..

"Ikaw naman.. binibiro lang kita.. kahit kailan ang cute mo talagang asarin!.. hihi..kaya talagang gustong gusto kita!! wahaha.."

At masaya niyang ginulo ang aking buhok.. agad kong sinaway ang kanyang mga mapanglarong mga kamay mula saaking ulo..

"Arrrrggghhh!! tigil tigilan mo ako Vaughn!!"

His statement somehow caught my attention.. hindi ko mawari kung isang joke lang ba yun.. or..

Ahh.. Nevermind.. Marahil ay isang joke nga yun.. ngunit Ipinikit ko ang aking mga mata at nilapat ang aking tingin sa malawak at asul na dagat..

Ramdam na ramdam ko parin ang mabilis na pag usad ng Academy Vessel na ito na tinatawag nilang XVR- Alberta.. I cant believe na makakasakay ako sa ganito ka modernong military vessel..

Tumatagos saaking ilong ang maaliwalas na amoy ng karagatan sa paligid.. Yep.. Salt Water..

May 2 hours pa kaming hihintayin bago kami makarating dun sa sinsasabi nilang Palm Island kung saan gaganapin yung survival camp namin..

Yep, survival camp, walang gadgets, walang wifi, limited stock ng food and water, and isang dosenang lamok ang nanghihintay na saamin roon..

I guess, this will be a lot harder compare dun sa naunang training namin.. hay...

"Oy, mukhang ang lalim ng iniisip mo Stella, naku.. ako bang iniisip mo kaya ganyan?"

Nakangiting sambit ni Vaughn habang tinuturo ang kanyang sarili.. napalingon ako and i gave him a pokerface reaction..

"Assumero ka din noh.. wag kang feeler.."

Napahalakhak siya saaking sinabi at may inilabas mula sakanyang bulsa.. agad niya itong inabot sakin..

"O, bigay ni Alexander, inumin mo daw sabi niya.. Anti emetic daw yan, pangontra sa motion sickness.."

Nagulat ako sakanyang sinabi.. napatingin ako sakanyang palad at nakita ang isang tableta ng gamot.. dahan dahan ko iyong inabot at inimon gaya ng sabi niya saakin..

"Naku Stella, kailangan mo nang masanay simula ngayon.. pano naman tayo lilipad niyan gamit ang aking Sleipnir kung ganyan kahina ang sikmura mo?"

Nakangiting pagpapaalala niya sakin..Napatingin ako kay Vaughn..

"Sa dagat lang naman ako nagkakaganito.. Hindi ko ito nararanasan sa Air or Space Travel kaya wag kang mag alala.."

Pag aassure ko sakanya sabay taas ng isang kilay.. ngumiti siya saakin at sumandal sa metal railings.. ramdam namin ang paglakas at paglamig ng hangin saaming paligid..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon