Code 41.1: Innocent Laughter

7.7K 283 95
                                    

*** Tristan's Point Of View ***

"Hindi naman po tayo mag kadugo sabi ni uncle, bakit ko po kayo dapat tawagin na kuya?"

"Kasi mas nakakatanda ako sayo.."

Nakangiting sabi sakin ng isang matangkad na batang lalakeng may ginintuang buhok..

"At isa pa, kailangan ay maging marespeto tayo sa mga mas nakakatanda satin kahit hindi pa natin sila kadugo.."

Dagdag pa niya habang hawak hawak ang kanyang baiwang.. napailing ako at napatingin saaking mga paa..

"Ahh ganun po ba.. sige po, simula ngayon kuya ko na po kayo!!"

Buong saya akong ngumiti patungo sakanya.. agad niyang ginulo ang aking buhok at binuhat patungo sakanyang mga balikat..

"Captain Tristan dito!!!!"

Agad na natigil ang aking pagbabalik tanaw nang marinig ko ang pag tawag sakin ni Captain Maris mula sa malayo.. mahinahon niyang itiniklop ang sleeves ng kanyang suot na orange working suit at winagayway ang kanyang kamay..

Mula sakanyang likuran ay naroon si Vaughn na kasalukuyang nagbubuhat ng iilang piraso ng kahoy at nakasuot din ng orange working suit.. samantalang nakatayo sakanyang tabi si Stella na kapansin pansin dahil sa suot niyang simpleng civilian attire..

Binagtas ko ang maikling daan patungo sakanila.. kapansin pansin ang iilang abalang mga studyante at mga crew ng academy sa paligid..

May nagbubuhat ng mga kahoy, nag a-assemble ng mga maliliit na booths, at may ibang walang pagod na nagpipintura.. umugong ang mga tunog ng malalakas na pagpukpok sa mga kahoy na haligi sa paligid..

Oo nga pala.. sa makalwa na ang Annual School Festival na may Japanese Kimono Festival na theme..Napangisi ako at napapikit..

May oras na pala ang mga taga Xavierheld para sa ganitong mga kasiyahan.. hay..

"Buti naman at dumating kana.. heto ang listahan.."

Nakangiting iniabot ni Captain Maris ang isang mahabang listahan at isang debit card saakin ng makarating ako roon..

"Kaya kita ipinatawag dito pagkat ikaw ang siyang assign bumili ng iilang mga supplies na kakailanganin natin para sa annual school festival natin and kailangan namin ang mga materials na bukas.. and oh by the way, naka assign din si Stella sa pag assist sayo sa task na ito.."

Napatingin ako kay Maris na nakangiti.. tila bay nakaramdam ako ng kasiyahan ng marinig ko iyon mula sakanya..

"Ahahaha oo! pagkat hindi kakayanin ng patpatin mong pangangatawan ang pagbubuhat ng mabibigat na kahoy at pag a-assemble ng mga booths Tristan..Sadyang maswerte lang naman talaga ang pagkakataon, eh, haha lucky for you at na assign ako sa construction team.."

Makulit at nakangising sabat ni Vaughn kay Captain Maris.. agad niyang inakbayan si Stella sakanyang gawing tabi..

"See these?"

Hindi pa nakuntento at inilabas pa ang kanyang braso upang ipakita ang mga matipuno niyang muscles.. nang biglang...

"PAAAAAKKKK!!!"

Napalingon kaming lahat patungo kay Vaughn nang marinig namin ang matunong na paghampas sakanya ng bag ni Stella mula sa likuran..

"Umayos ka Vaughn!!"

Nayayamot niyang sambit kay Vaughn na napakamot ng ulo..

"Aray.. Stella naman.. wahaha nag bibiro lang naman ako.."

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon