Code 28: The Ideal Woman

9.7K 317 54
                                    

*** Stella's Point Of View ***

Ramdam ko ang pagtama ng malamig na tubig dagat saaking mga paa at binti.. bumalot ang matinding ginaw sa pagpalo ng malalakas na hangin..

Dinig na dinig ko ang tilay kalmado na hampas ng alon saaking nakadapang katawan.. ramdam ko ang mga butil ng mapinong buhangin saaking mukha..

Unti unti kong binuksan ang aking mga mata.. nagkalat na ang aking buhok at wala nang panali..

Kitang kita ko ang malumanay na alon na bumabalot sa malamig na buhangin..

Shore line..? tama ba ang aking nakikita?

Kahit nanghihina ang aking mga bisig ay pinilit kong tumayo.. hindi ko alintana ang matinding ginaw na bumalot saaking basang katawan habang pinagmamasdan ang aking paligid..

Napatingala ako at nakita kong madilim parin ang kalangitan.. hindi parin humuhupa ang galit na bagyo..

Napatayo ako.. at mabilis na pumatak ang mga naipong tubig saaking mabigat na uniform..

Mukhang tinangay ng galit na dagat ang aking mga sapatos pagkat ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig saaking mga paa..

Hindi ko alintana ang mga butil ng buhangin at bato na aking naapakan at pinagmasdan ang aking paligid..

Confirmed, isa nga itong isla.. nasaang lupalop kaya ng lugar kami napadpad..

Kami?! kami!!?!!

Agad na nanlaki ang aking mga mata ng matanto ko na wala na saaking tabi si Vaughn!

Oh my God! don't tell me?!

Kahit lupaypay ang aking mga paa ay tinakbo ko ang shore line upang mahanap ang aking kapitan..

Hindi nga ako nabigo at natadnan ko ang aking kasama na nakasalampak sa malamig na buhangin at sumasabay lang ang katawan sa malalakas na agos ng alon..

Mula sakanyang kanang kamay ay hawak hawak niya ang moss green na scarf na ipinasuot niya saakin..

Hindi na ako nag isip pa at mabilis na pinuntahan ang kanyang kinalalagyan.. agad kong hinawakan ang kanyang basang balikat..

"Huy Vaughn!! huy!!"

Malakas at nag aalala kong tawag sakanya.. ngunit wala akong narinig na sagot mula sakanya..

Agad akong napaupo sa basang buhangin at pilit na iikot ang kanyang nakadapang katawan.. maingat ko siyang pinahiga ng tuwid..

Pinagmasdan ko ang kanyang malumanay na mukha.. mukhang wala siyang malay tao.. inayos ko ang kanyang makalat at basang buhok sabay tapik sakanyang malamig na pisngi..

"Huy! Huy! Vaughn! ako to! Si Stella!! sumagot ka naman.. hooooyy!!"

Kumunot ang aking noo nang wala akong marinig na sagot.. this time nilakasan ko ang pagtapik sakanyang pisngi..

"Hoy! gumising ka!! hoooyy!! Vaughn! ano ba!! tinatakot mo naman ako! taena yan!"

Malakas at natatarantang bulalas ko.. kinutuban na ako ng masama ng hindi parin siya sumagot.. argghh.. ano bang gagawin ko?

Agad kong inilagay ang aking tainga at ulo malapit sakanyang ilong at bibig.. nanlamig ako nang wala akong marinig na kahit anong paghinga o pag daloy ng hangin mula sakanya..

"What the actual f*ck! hindi siya humihinga!!!! hoy! huminga ka manyak ka!! kailangan nating makaalis dito!! hoy!!"

Malakas at takot kong sigaw sakanya sabay yugyog ng balikat niya... That moment I began to panic at hindi na alam kung ano ang gagawin..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon