Code 34: Space Warriors

9.3K 294 54
                                    

*** Vaughn's Point Of View ***

Halos man laki ang aking mga mata sa gulat nang makita ang isang sikretong impormasyon tungkol sa mga teroristang sangkot sa bombing Incident sa Earth, ilang buwan na ang nakakaraan..

Tanging ang tunog lang ng pag load ng mga data at information saaking crystal tab ang nangibabaw sa tahimik kong silid..

Hindi parin matigil ang mabilis na pag blink ng pulang liwanag mula sa micro flash drive na ibinigay sakin ng commander ng Black Rogue na si Hellen..

Hindi ko makapaniwala saaking mga nabasa..

How come na ganito? ang lahat ng information ng mga taong ito ay na lilink sa data base ng Earth Alliance Forces?

Mga alagad ng EAF ang may pakana?

Napakunot ang aking noo at hapahigpit ang aking hawak saaking tasa..

Maaring tama kaya ang mga sinabi ni Hellen? pilit ba kayang dinudungisan ng EAF ang pangalan ng Black Rogue?

Ngunit saanong kadahilanan? d*mn it!

Nang matapos ang pag load ng mga information ay tila bay agad na nag error ang database at nag shut down ng kusa ang aking crystal tab..

I managed to re open my tab again, but not the flash drive.. may inilagay silang isang self destructing mechanism sa nasabing flash drive.. kusa itong nag system lock at nasira right after ma access ko ang mga files..

Napatitig ako sa flash drive.. siguradong isang malaking gulo ito pag nagkataon..

Ngunit..

Napalingon ako saaking shelf at nakita ang isang picture frame.. agad ko iyong nakuha at natanaw ang larawan ni Stella..

Nabalot ng pag aalala ang aking mga mata habang pinagmamasdan ko ang kanyang inosenteng mukha..

Ayokong maging magulo ang buhay niya ng dahil saakin..

Dahan dahan kong ibinalik muli ang frame, ngunit tila bay may nasagi akong bagay dahilan upang mahulog iyon sa sahig..

Napatingin ako sa ibaba at nakita ko ang aking kwintas na may nakasabit na isang ginintuang singsing..

That moment, napuno muli ng katanungan ang aking isipan..

Hindi parin malinaw ang lahat saakin..

*** End Of Vaughn's Point Of View ***

*** Stella's Point Of View ***

"Hey Stella.."

Masayang bati sakin ni Revienne habang kinakaway niya ang kanyang kamay nang makita akong pumasok sa conference room kung saan nagtipon ang lahat ng members ng top 10..

"Hey Revs!! mukhang blooming na blooming ka ngayon ahh.."

Pabiro kong sambit sakanya sabay upo sakanyang tabi..namula ito at napatingin sakanyang mga paa..

"Nagsalita ang hindi blooming!"

Napapoker face ako at napalingon nang marinig ko ang masayang tinig ni Serene na kapapasok palang sa loob kasama si Roi sakanyang tabi..

Agad siyang napaupo sa tabi ko at tinitigan ako ng kakaiba.. nailang ako at medyo napatabi ng kaunti.. ngumisi siya ng malaki saakin..

"Balita ko nag kiss na kayo ni Captain Vaughn.."

Halos pagsakluban ako ng langit at lupa ng marinig ang sinabi ni Serene.. agad na napalingon si Revienne sakin

"What? talaga Stella?!!"

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon