Code 23: The Aim

13.7K 401 51
                                    

*** Stella's Point Of View ***

Narinig namin ang dahan dahang pag preno ng aming sinasakyan na bus shuttle nang makarating kami sa nasabing shooting gallery ng academy..

Napalingon ako sa bintana at agad na iniikot ang aking paningin sa labas.. sumalubong saaking mga mata ang isang napakalaki at napakalawak na tila bay isang basement..

Hindi ko maiwasang mamangha.. so ganito pala talaga kayaman at kalaki ang pagmamay ari ng academy na ito.. hindi basta basta ang kanilang mga facilities..

Napasin ko na nagsimula nang magsi tayo ang aming mga kasamahan at isa isang lumabas ng shuttle..

Nang kami ay makababa ay sinalubong kami ng iilang mga personnel at sinamahan kami patungo sa loob.. 

Mukhang isang pangkaraniwang base ng military lang ang dating sa loob.. napatigil kami saaming paglalakad nang sumalubong saamin sina Captain Einsmann at Admiral Yohannes..

Agad kaming sumaludo patungo sakanila at ganun din sila saamin..

"Good morning students, as well as the mentors, siguro naman ay may kahit kaunting idea kayo kung ano ang sadya natin dito dont you guys?"

Nakangiting sabi ni Captain Einsmann.. palangiti talaga tong si Captain kahit kailan.. I just smiled back..

"Today's activity will focus regarding on how to handle firearms, and as well as battle tactics, being in the military, especially in the higher positions, doesnt mean na pwede na kayong magpasarap sarap lang with all the men and personnel you have in your command.."

Napalakad ng tindig ang babaeng kapitan patungo sa tabi ng isang wall..

"You need to get on the level of your men.. dapat kayong matutong lumaban as well as develop a good combat strategy so that, hindi kayo malalagasan ng forces.."

Tahimik ang lahat at buong tindig na nakinig sakanya..

"Alam ko naman na lahat sainyo ay aware sa tinatawag nilang Space Combat.. hindi na bago yun sainyo, right? The Angelic Wars, The Angel Rebellion.. all of them.. are just examples of Historical Wars that occured in space.."

Natigilan ako mula saaking narinig.. Napatingin lang ako na tila bay may kakaibang hindi ko ma explain na dumaan saaking isipan..

"Angelic Wars.."

Mahina kong bulong.. napalingon ako at tilay nagulat nang makita ko ang mga seryosong mga mata ni Vaughn.. thats kinda weird..

"The Galactic Era, did not only brought advance technology, but also brought great wars to the vast space, kaya its is very essential na sa early as now ay masanay kayo sa ganitong combat setting, thats why..."

At biglang bumukas ang wall at ni reveal ang isang malaking glass window.. di tagal ay tumambad saaming mga paningin ang isang napakalaki at napakalawak na man made ruins sa loob ng isang malaking basement..

Hindi namin naiwasan na napalapit sa glass window at dumungaw.. naroon ang mga ruins ng matatayog na buildings at mga establishment.. narumi at nagkalat ang debris kung saan saan ang iba ay lumulutang at maraming malalaking tipak ng bato ang naroon..

Napalingon ako at nagtaka nang makita ang isang mataas na lumang ruins sa may pinaka north ng nasabing lugar..

"Today's activity will be held here.. as you can see, isang malaking man made ruins ang nasa ibaba.. ginawa ang area na iyan especially for space combat training, so it means, ang atmosphere na nasa loob ng ruins na iyan ay tulad sa space.. zero gravity, zero oxygen and so on and so forth.."

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon