Code 58 : Battle Of Hearts (Part II)

6.2K 218 108
                                    

Stella's Point Of View

Pinagmasdan ng aking mga gulat na gulat na mga mata ang malalaking tipak ng mga debris mula sa nawasak na space craft.

Tanaw na tanaw ko parin ang nangagalaiting pulang laser na pilit na hinaharangan ng mga maninipis na nano barriers ng Xavierheld.

Kung hindi ako nagkakamali, mula sa fortress na ito nangagaling ang nasabing makapangyarihang laser. And I never thought that the EAF were so desperate and created a giant killing machine out of this fortress

Agad kong kinuha ang aking headset at mariing tinangkang kumonekta sa communication line ng nasabing space craft.

"This is Lieutenant Stella Franz! please answer!!" malakas kong pagbulalas sabay pindot ng aking receiver sa headset, ngunit saaking pagkagimbal, walang kahit anong narinig.

"I repeat! This is Lieutenant Stella Franz! please answer me! anybody for Pete's sake!!" I desperately attempted to connect again as I shouted through the line.

Ngunit for the second time, nobody answered, and it seems na talagang nawala na ang communication system sa nasabing craft.

Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng aking tibok ng puso sa sobrang kaba as tears finally burst through my eyes coming up to conclusion that might have a high possibility.

"Papa..? Tiya..?" I slowly and weakly mumbled as I stand and gazed upon the floating debris through the destroyed space craft.

"Wala na sila.. I'm.. I'm sorry for the loss.." napalingon ako nang marinig ko ang malumanay na tinig ni Vaughn na nagawang makatayo saaking likuran.

Hindi ko na nagawa pang mapigilan ang aking sarili at marahas na hinablot ang kanyang space suit sabay malakas na pagtulak sakanya sa matigas at malamig na dingding.

Halata ang lungkot sakanyang mga mata habang iniinda niya ang sakit ng impact mula sakanyang likod. Agad kong itinutok ang dulo ng aking baril sakanyang noo at hindi na nagawang mapigilan ang paghagulgol dala ng matinding galit at poot saaking dibdib.

"Ang lakas ng loob mong sabihin saakin yan! Ikaw! Ikaw at ang EAF! mga mamamatay tao! Kayo ang dahilan ng lahat ng ito! mga walang kaluluwa! Damn it! Hindi na dapat pang binubuhay ang tulad mo!" I shouted with all my might as desperate tears flow through my hatred filled eyes.

Tuluyang nang nangdilim ang aking paningin at hinawakan ang trigger ng aking baril. Ngunit hindi natinag ang mga asul na mga mata ni Vaughn na lubos kong ikinagulat.

Ang mga matang iyon. Ibang iba sa mga matang nakita ko kanina.

"What are you waiting for? Pull the trigger! kung yan lang ang tanging paraan upang bumalik ang buhay ng mga inosenteng taong hindi natin nailigtas! gawin mo Stella! gawin mo!" He shouted with out fear as he held and assisted my hand on pulling the trigger na lubos kong ikinabahala.

"Pull it now Stella damn it!"

"Haaaaaaaaaaaaa!!!!" I frustratedly shouted at marahang binitiwan ang baril na aking hawak. I immediately felt the cold and dusty floor as I fell on my knees at hindi na nagawang mapigilan ang matinding pag iyak.

All the frustrations. All the sadness. All of it.. the feeling of being alone.. all alone.. the feeling of just watching as your love ones die in front of you. All of it.. it drowned and dragged me through this hell!

Ano paba ang dahilan upang lumaban pa ako? ano paba? wala nang saysay ang lahat! If I were only brave enough and acted wisely.. all of this could never happen in the first place!

Tama na! Tama na! Stop this sh*t already!!!

Umugong ang malakas kong pag iyak at pag sigaw sa buong basement. Nang bigla kong maramdaman ang mahigpit na pagyakap niya saakin mula sa likuran.

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon