Code 49: Reincarnated

6.9K 225 54
                                    

*** Young Edward's Point Of View 10 years ago ***

"Lolo, totoo po ba yung tinatawag nilang Reincarnation?"

Sabik kong tanong kay lolo sabay upo sa isang magarang upuan mula sa balkonahe ng kanyang opisina..

Ngiti niyang pinagmasdan ang malawak at magandang tanawin sa labas ng matataas na bakod ng Earth Alliance Research Facility kung saan kami namamalagi..

"Hmm.. bilang isang siyentipiko sa loob ng halos 50 na taon ay masasabi kong hindi ako naniniwala pagkat hanggang ngayon ay wala paring basehan at konkretong ebidensya na nagaganap nga ang pangyayaring iyon.."

Buntong hininga akong napakunot ng aking kilay saaking narinig...

"Pero.."

Binati ako ng kanyang matamis na ngiti nang ako'y mapalingon muli sakanya.. payapang dumapo mula sakanyang nanginginig at kulobot na mga kamay ang isang maliit na puting paru-paro..

"Hindi naman natin ikakasama pag maniniwala tayo, roon, diba, Edward?"

Payapa akong  napangiti saaking narinig mula kay lolo habang dahan dahang inaabot saakin ang munting paruparo..

Pinagmasdan ko ang marahang paglipad nito bago pa ito tuluyang makadapo saaking kamay nang makarinig kami ng iilang mga yapak ng tao mula sa pinto ng balkonahe..

"C..Com..Commander Vanguardia..!" 

***********************

"I'll give you all the information needed! Kunin nyo na ang blue print, pakiusap, huwag nyo lang kukunin ang aking apo.. He's too young to be in the military!"

Napakapit ako ng mahigpit mula sa door knob ng bahagyang nakabukas na pintuan nang marinig ko ang pag angal ni lolo sa harap ng nga opisyal ng EAF..

"My, my, Dr. Robert Denzel.. hindi mo ba napagtatanto ang kakayahan ng iyong magaling na apo? at the age of 13 he managed to create the blue print of the most powerful secret weapon ever created for the Earth Alliance Forces and had designed military tactics na hanggang ngayon ay gamit parin ng Elite Wings.."

"But--"

"You know his talents more than I do.. I can never deny the fact that he, indeed, was born a military genius, a great tactician, and a potential commander..the EAF truly needs him.."

Nanginginig akong sumilip mula roon at nasaksihan ng aking mga mata ang pag ngiti ng lalakeng may kulay kayumangging buhok na tinawag nilang Commander Vanguardia patungo saakin..

Mabilis akong umiwas at tahimik na isinara ang pinto sa paghuli niya ng kanyang tingin sakin.. dinig na dinig ko ang sariling paghinga ko habang umiiral ang kakaibang kabang gustong kumawala saaking dibdib..

***************************

"Umalis kana dito!! hindi ka karapat dapat bilang aking apo!! wala ka nang dinala saakin kundi puro kamalasan!! layas you useless piece of sh*t!!"

"But who's going to take care of you?!!"

"Get the hell out of here young man before I call the military personnel!! hindi ko kailangan ng isang katulad mong pabigat! EAF will take care of me!"

Pikit mata kong tinalikuran ang nangagalaiting matandang lalake mula sa harapan ng pinto at marahang isinabit saaking balikat ang aking bag..

Simula sa araw na ito ay hindi ko  na siya maaring ituring pang aking lolo.. He already forgot me, He's ashamed of me, and He disowned me for an uncertain reason..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon