Code 15: Emerald Eyes

14.2K 481 49
                                    

*** Stella's Point Of View ***

Agad kaming napatigil ni Revienne sa pagtakbo nang marating namin ang bulletin board.. agad sumalubong saamin ang dagat ng mga studyante na naka surround dun..

Mula sa malayo ay kita ko ang iilang malalaking mga listahan na naka post.. naatat na ako at hindi nag dalawang isip na sumong sa grupo ng mga nagsisiksikang mga studyante.. 

Mariin kong hinawakan ang kamay ni Revienne upang alalayan siya saaking pagsuong.. hindi namin alintana ang siksikan makita lang ang nasabing listahan..

"List of Examinees for The Holographic Mental Assessment Exams"

Mahinang basa ko at nakita ko ang iilang mga magkakahiwalay na listahan na naka post.. 

"Shoot! hindi tayo sabay Stella..!"

Dismayadong hagulgol ni Revienne sakin habang nakatingin sa mga listahan.. agad ko namang hinanap at oo nga.. nakita kong magkahiwalay kami sa Final Exam na ito..

"Hindi sa lahat ng oras ay magkasama kayo.."

Agad kaming napalingon ni Revienne nang marinig namin ang pamilyar na boses.. agad namang nag give way ang mga takot na studyante sa tabi nang makita ang sarkastikong Kapitan..

Napatayo siya at nilaan ang kanyang mga blankong asul na mga mata saamin ni Revienne.. napakapit tuloy saaking braso ang aking kaibigan..

"Sa nakikita niyo, may 6 na listahan ang nakapost diyan.. sa 8 na listahan na iyan ay may 15 names ang nakasulat and arranged into alphabetical surnames.. so basically, by batch yan.. only 130 out of 200 passed, but masasala pa ang 130 na yun sa final exam na ito.."

Mariing pagkasabi ng seryosong kapitan habang nakatingin at nakikinig sakanya ang lahat ng studyante sa paligid.. napalingon siya saamin at tila bay napako ang kanyang kakaibang blankong titig kay Revienne..

Napailing si Revienne at hinigpitan ang kapit saaking braso.. tinitigan siya ng kapitan for iilang seconds.. tila bay may kakaiba sakanyang mga mata..

Matapos dun ay agad niyang inalis ang kanyang mga mata kay Revienne at tumalikod na.. pinagmamasdan parin siya ng mga studyante sa paligid..

"See you at the Research Institute Building at 1300 hours."

Matipid niyang sagot sabay lagay sakanyang kamay sa mga bulsa ng kanyang blue formal slacks.. mahinahon siyang naglakad palayo saamin..

***********************

"Miss Stella Franz..?"

Mahinahon at malambing na tawag sakin nung isang babaeng staff ng research institute.. mahinahon niyang inilagay ang kanyang ballpen sa breast pocket ng kanyang malinis na puting laboratory gown habang naka rest naman sakanyang kanang braso ang isang crystal tab..

Napatayo nang tawagin niya ang aking pangalan.. tila bay napatingin din ang iilang mgs studyante na aking nakasama sa batch..

"Its your turn now.. please follow me.."

Warm na request niya saakin.. napalakad ako patungo sakanya.. hindi parin maalis ang titig ng iilang mga anxious na co examiness habang pinagmamasdan nila akong lumayo sa waiting area..

Naglakad kami sa isang silent and narrow hallway.. tanging ang takon ng kanyang high heels ang aking malakas na naririnig saaming paglakad.. 

Pinagmasdan ko ang iilang steel doors.. tila bay mas nagpa nerbyos saakin ang white walls ng nasabing hallway.. tila bay nasa isang makitid na hall kami ng isang ospital na napaka tahimik..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon