Code 29: The Doctor's Angel

9.3K 304 29
                                    

*** Revienne's Point Of View ***

Marahan naming itinaas ang aming mga kamay nang simulan kaming pasukin at tutukan ng matataas na kalibre ng baril ng mga hindi kilalang mga tao..

"Whats going on?"

Mahina ngunit confused na tanong ni Serene kay Tristan na seryosong nakatingin sa mga lalakeng palapit saamin..

Marahas nilang kinapa ang lahat ng crew including sina Tristan, Howard at Edward...

"Miss.. ilabas mo lahat ng gadgets mo.."

Napatingin ng masama sakin yung isang pirata sabay tutok ng kanyang baril saakin.. napaatras ako sa takot at napasandal ng bahagya sa isang lalake..

Napalingon ako at laking gulat ko nang makita ko si Captain Alexander mula saaking likuran.. napatingin siya saakin ng seryoso at tumango..

Tila bay nagets ko ang kanyang minimean kaya agad kong inabot ang aking phone at ibang gadgets dun sa lalakeng pirata..

Nang malikom na nila lahat ng mga gamit at gadgets ay agad nila kaming pinalakad patungo sa isang silid ng aming vessel..

Napalakad kami and walang magtangkang maglakas loob na sumuway pagkat kami ay surrounded at wala kami ni kahit isang baril..

Nang kami ay makarating sa nasabing silid ay tumambad saamin ang lahat ng deck crew ng nasabing vessel.. So it must be all of the crew including kami ay hawak na ng mga pirata..

Hindi pa dun nagtatapos ang worry ko, pagkat hindi ko nakikita si Stella at Captain Vaughn sa paligid, neither si Captain Hagalaz..

Napalingon kami ng makarinig kami ng paglapit at pagpasok ng iilang mga armadong kalalakihan.. kasama nila ang isang matangkad na lalakeng may kulay grey na buhok..

Base sakanyang itsura ay isa siya sa mga makapangyarihang tao sa kanila.. nila..napatayo siya saaming harapan..

"Makinig kayo! ang Vessel na ito ay hawak na ng aming hukbo.. wala na kayong magagawa pa kundi ang sumunod saaming kagustuhan.. Wag na kayong magtangka pang gumawa ng paraan upang makapagpadala ng isang distress call pagkat kahit mismo ang system ng Vessel na ito ay na hack na namin..signals were also jammed and there's nothing you can do about it.."

Nilibot niya ang kanyang malaking mata saaming lahat.. napalakad siya sa may harap..

"And now alam kong may mga mangagamot kayo dito sa barkong ito.. particularly isang doktor at isang nurse kung hindi ako nagkakamali.."

At marahas niyang ihinagis ang stethoscope ni Captain Alexander at ang aking puting nursing apron..

Nanlaki ang aking mga mata sa takot, napalingon ako kay Captain Alexander ngunit nanatili siyang kalmado..

"Wag nyo nang tangkain pang itago sila..!"

Nang biglang..

"Ano ba ang kailangan nyo saamin?"

Mahinahon na sambit ni Captain Alexander at napatayo.. hindi ko maintindihan ngunit agad kong hinawakan ang kanyang puting laboratory coat out of my instincts..

"At sino ka naman?"

Marahas na tanong nung lalake.. napatingin sakanya si Captain Alexander gamit ang kanyang seryosong mga ginituang mga mata..

"Captain Alexander Seyren.. ang doktor ng vessel na ito.."

"I see.. "

At agad na dinakip ang aking kapitan at hinawakan ang kanyang mga braso sa magkabila.. hindi ko na nagawa pang pigilan ang aking sarili sa pag aalala at napatayo na..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon