Code 55.1 : The Calm Before The Storm

6.3K 210 80
                                    

STRONGHOLD OF ZION, XAVIERHELD ALLY BASE, AREA 65, XAVIERHELD TERRITORIES 0150H (01:50am)

Howard's Point Of View 

Napatingala ako sa madilim na kisame ng aking tahimik na silid. Hindi ko na alintana ang katahimikan at kadiliman unti unting lumalamon saakin.

Pilit kong binuksan ang aking mga mapupungay na mga matang natuyo na sa kabubuhos na mga luhang hindi na kailanman magbabalik sa buhay ng aking kaibigan.

Mga luhang hindi na kailanmang mag liligtas saakin sa katotohanang puminit saaking umaasang puso. Ang mga luhang muling nagbalik sa isang masamang panaginip.

History had repeated its self in front of me. The same nightmare. The same situation. That one friend whom again sacrificed his life just to save me from the kiss of death.

"Damn it Edward. Why leave me now!" Nanginginig kong bulong saaking sarili at hindi na napigilan pa ang paghagulgol sa isang tabi. 

Mahinahon kong nasabunot ang aking kalat na buhok habang hinayahaan kong muling basain ng mga desperadong luha ang aking mga pagod na mga mata.

Hindi ko alinata ang pagpatak ng aking mga luha sa mga masasayang litratong naka bulagta at nakakalat saaking mga malalamig na paa.

Pinagmasdan ng aking mga mata ang mga malalapad na ngiti ni Edward at ng aming mga kasamahan. Kumalabog ang magkahalong panghihinayang at lungkot saaking dibdib.

Sayang. Kung hindi lamang ako muling naduwag. 

Sayang. Kung naunahan ko lang siya sana ay naririto pa siya saaking tabi.

Sayang.

Kung naging mas matapang lang ako, Edward.

"No fair Edward! No Fair!!" malakas kong pagbulalas sabay hagupit ng wooden cabinet saaking tabi na siyang dahilan upang tumilapon paibaba ang maliit na boteng naglalaman ng mga gamot na pampakalma.

Napatingin ako ng tuiwd nang matanto ko ang paghulog rin ng aking crystal tab kasama ng mga mumunting medicine capsules sa sahig.

Agad bumukas ang screen sa kanyang pagbagsak at marahang idinisplay ang huling larawan namin ng aking matalik na kaibigan.

Muling nagbalik ang lahat ng sariwang mga alala saaking isipan. 

Ang mga basag na bububog ng salamin sa paligid na minanstahan ng kanyang dugo.

Ang ingay na nagmula sa mabilis na pag eject ng aking upuan palayo saaming unit.

Ang kanyang huling inosenteng mga ngiti. 

Napapikit ako at marahas na tinakpan ang aking mga tainga habang hinayaan kong rumagasa muli ang luhang hindi na magawa pang maitago ang matinding pait at kalungkutang bumabalot saaking puso't isipan.

"Edward! Bakit?! Bakit?!!"

Agad akong napalingon nang biglang tumunog ang phone receiver sa itaas ng desk. Matagal kong ibinaling ang aking tingin sa lumiliwanag na telepono bago ito mag automatic receive ng message.

"Good evening Sergeant Howard Alfonsce, This is Engineer Ysa Rockwell of Xavierheld Mechanic Crew.  There are few things I would wish to know before you pilot the MSF Sleipnir. Please see me in the basement wing ASAP."

With her firm voice as the line cut off, leaving me staring blankly into thin air. 

So they're gonna pass the Sleipnir in my hands. Too bad it won't be useful--

Bigla akong natigilan nang may matanto akong isang bagay mula saaking isipan. Agad kong kinuha ang aking crystal tab at muling sinilayan ang inosenteng mukha ng aking kaibigan.

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon