Code 53.2 : The Replica Couple

6K 208 73
                                    

*** General Alfred's Point Of View 32 years ago ***

"Vi..Vincent Vanguardia?"

His purple sunken and tired eyes gazed upon me as I stare back at him with astonishment. That very moment, I knew, that there was one similar thing that runs through the back of our minds.

Justice.

Rightful Justice for the death of our mentors. For the death of thousands of innocent ANGELS.

******************

10 years had passed when me and my best friend were stuck and trapped inside this abandoned facility. Hindi ko akalaing mabubuhay kame behind EAF and Xavierheld's back.

At mas lalong hindi ko akalaing may mga taong tinalikuran ang kanilang pinanggalingan upang kami ay suportahan, mga taong naki isa saaming layunin.

Ang layuning bigyang hustisya ang mga inosenteng buhay na naipit sa walang katapusang gulong ito. ang layuning magkaroon ng kapayapan sa pamamagitan ng pagkapantay pantay.

Agad akong napatigil nang bigla akong salubungin ng aking mga assistant. halata sakanilang mukha ang bahid ng saya at pagod.

"Dr. Alfred!"

Magkasabay na singhal ng isang dalagang may kulay pulang buhok at isang matangkad na binatang taglay ang dilaw na buhok.

"Mukhang nagmamadali kayo, Hellen, Melrey. what's the fuzz all about?"

"Nagising na po siya!"

Halos manlaki ang aking mga mata saaking narinig mula sakanila. hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad na kumaripas ng takbo patungo sa lugar kung saan nagbunga ang aming 10 taong pagsasaliksik.

Excited akong sinalubong ang aking matalik na kaibagan habang kaagapay ang kanyang assistant na si Belle.

Mula sa isang malaki at malinaw na salamin sa loob ng isang silid ay nasaksihan namin at pag angat ng isang higanteng glass cylinder.

Kumawala ang makakapal na usok sa paligid nang tuluyang bumukas ang matibay na tubong gawa sa salamin.

Kusang naalis ang iilang mga maninipis na kableng nakakabit sa makinis at maputing balat ng aming nilikha. dahan dahan niyang ihinakbang ang kanyang maliliit na paa at hindi alinta ang lamig na dumadampi sakanyang hubot hubad na maliit na pangangatawan.

Pumapatak pa mula sakanyang mga ginintuang buhok ang likidong mula sa loob ng glass cylinder na nagsilbing kanyang mumunti at masikip na tahanan sa mahigit na 10 taon.

Nasinagan ng liwanag ang kanyang kulay asul na mga matang nakatitig saamin habang pinagmasdan namin ang kanyang maayos at kusang paghinga sa pinaka unang pagkakataon na walang kahit anong tulong ng mga aparato.

Umapaw ang kakaibang tamis ng tagumpay nang masilayan ko ang kabuuan ng aming 10 taong paghihirap.

Hindi namin inakala na mula sa kakarampot na sample ng kanilang dugo ay makakalikha kami ng isang nilalang na magbabago muli sa takbo ng kasaysayan.

Ang nilalang na siyang magiging pag asa patungo sa kapayapaan at sa pagkapantay pantay.

Dahan dahan akong napadungaw sa salamin nang marahang lumapit ang batang iniluwal ng higanteng tubo.. agad kong inilapat ang aking palad sa salamin. He then copied me and laid his little palms on the other side.

Napatitig siya saakin as he innocently gazed upon me with his stunning blue eyes. His eyes, his blonde hair, the mole on his right cheek, every feature that Dr. Troy Zoilant had was all in this child.

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon