Code 5: The Bargain

15.4K 519 33
                                    

*** Stella's Point Of View ***

Naramdaman ko ang kakaibang lamig mula saaking mga paa... tila bay nakahiga ako sa isang malambot na higaan.. kakaiba ang lamig sa paligid.. malamang ay nararamdaman ko ang isang cooling system sa paligid...

Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata at agad na napaupo nang makita ko ang aking paligid..

"Hindi ka dapat bumabangon kaagad agad.."

Nagulat ako at napalingon nang marinig ko ang isang boses ng lalake.. nagulat ako nang madatnan ko ang isang matangakad na lalaking may asul na buhok na nakatayo mula sa pinto..

"..Mahihilo ka at mawawalan ng lakas para sa interrogation mamaya maya.."

Dagdag pa niya.. habang hindi inaalis ang kanyang mariing titig saakin.. napatingin ang aking mga mata saaking paligid.. hindi ko maiwasang medyo kabahan nang ma realize ko na tila bay nasa loob ako ng isang maliit na kwarto..

May isang metallic na table at mga chairs at tanging ang isang maliwanang na flourescent light lang ang nag bibigay liwanag sa buong paligid.. lahat ng windows ay naka shut..

Napaiiling ako..

"Na..nasaan ako??"

Mariin kong tanong dun sa matangkad na lalakeng nakatayo sa pinto... napatingin lang siya saakin... nang biglang bumukas yung pinto..

"Nasaan na siya??"

Rinig na rining ko ang boses ng isang lalake.. matapos nun ay tumambad saaking harapan ang iilang mga kalalakihan na nakasuot ng dark purple na military uniforms.. matinding silang tumayo sa pinto at agad na sinaluduhan yung isang matangkad na maputing lalaki na may brown na buhok..

Mukhang magkasing edad lang sila ni Vaughn... napatingin siya saakin... habang napaupo.. agad namang sumara ung pinto ng kwarto

"Miss Franz.. tama ba??"

Halos man laki ang aking mga mata nang banggitin niya ang aking pangalan..

"Pakiusap, maupo ka..."

Hindi ako umiik at tumango lang... halos manlamig ang aking mga paa't kamay nang maupo sa malamig na steel chair.. hindi parin maalis ang seryosong titig niya saakin..

"Anong nalalaman mo tungkol sa data base?"

Diretsto niyang tanong saakin with that very serious voice.. halos hindi ko makasagot sakanyang tanong.. sinimulan akong kabahan.. gosh... sabi ko na ba tlga.. malamang... ay...

"Pe..pero.. hindi po yun ako.. kasi ho.."

Natatarantang sagot ko nang biglang binagsak nung lalakeng pinuno nila ung kanyang mabigat na kamay sa steel table..

"Wag ka nang mag sinungaling miss Franz! na trace namin ang IP address mo at nakita namin ang link ng hacked information sa address mo.."

Halos hindi ako makapag salita sa aking mga narinig.. dala na din ng takot ay natulala lang ako sakanyang seryosong mukha..

"..Saan mo nakuha ang ganito ka top secret na information?? alam mo ba ang iyong pinasok miss Franz??"

Sabay tayo niya at hinimas ang mesa saaking harapan..

"Isang top secret military information and codes miss Franz.. yung tipong... buhay ang kapalit pag na laman ng ibang taga labas.."

Halos mapalunok ako ng laway saaking narinig.. halos hindi tumigil sa pangangatog ang aking mga paa sa kaba.. mamamatay na ba ako?? ngunit pilit ko paring maging steady..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon