Code 53.1 : The Zoilant Couple

6.6K 210 41
                                    

*** Stella's Point Of View ***

Ramdam na ramdam ko ang mga malalamig na butil ng pawis na nangingilid saaking noo habang pilit na inaangat ang controllers ng aking pabagsak na unit.

Hindi na magkanda ugaga ang alingaw ngaw ng tunog ng alarm system sa loob ng cockpit at mariing sinasabayan ng mga pulang ilaw ng system controls na nag rereflect sa salamin ng aking helmet.

Damang dama ko ang aking mabilis napag bulusok paibaba. both of my booster wings were severely damaged and at this rate, wala na akong iba pang magagawa kundi ang salubungin ang impact ng aking pag bagsak.

I maneuvered my controls so that it my unit's gigantic arms will protect the chest to where my cockpit sits. Naging mabilis ang mga pangyayari at rumagasa ang pagtama ng iilang mga debris saaking unit, causing it to stumble down several times and finally roughly descending through a steel floor.

Hindi pa natapos roon ang aking kamalasan at agad kong naramdaman ang mabilis na pagguho ng kinalalagyan ko dahil sa bigat ng aking dalang unit na sinabayan pa ng marurupok na sahig ng ruins.

Umugong ang ingay ng pagsalpok ng isang malaki at mabigat na bagay paibaba at tumilapon ako palabas ang aking unit dahilan upang mapahandusay ako sa isang malamig at maalikabok na sahig..

Binalot ng kakaibang lamig ang aking katawan habang marahang nakadapa at pilit na pinipigilan ang aking pagluha.. 

Nanlulumo kong pinagmasdan ang alikabok na kumapit saaking suot na puting leather gloves saaking mga kamay.

Wala na.. wala na akong pag asa.. ni hindi ko lamang siya nagawang iligtas.. Napakawalang kwenta ko.

Hinayaan ko ang pagbagal ng oras habang kusa nang pinakawalan ng aking mga mata ang mga rumagasang luhang pilit kong ikinukubli.

Mga luhang wala lang namang nagawa upang iligtas si Vaughn. Mga luhang punong puno ng panghihinayang.. Mga luhang hindi na muling mapupunasan ng aking minamahal..

Ikinubli ko ang aking paghagulgol sa pamamagitan ng pag yukom ng aking mga palad, nang biglang..

"Stella.."

Agad akong natigilan at mabilis na napaupo nang makarinig ko ng isang mahinang pag bulong mula sa kadiliman ng ruins.

Hindi ko alintana ang mga luhang bumabasa parin saaking mga mata habang ako'y napatayo at napatingala sa sira sirang kisame ng nasabing lugar.

Umugong ang kakaibang lamig at nakakapangilabot na pakiramdam sa loob.. 

"Stella.."

Mabilis akong napalingon habang damang dama ko ang mga maliliit na piraso ng mga debris na tumatama saaking mga paa.. dumaloy ang kaba saaking dibdib habang dahan dahan kong binagtas ng daan mula sa may hindi kalayuan.

Tanging ang yapak ng aking mga paa lamang ang narinig sa buong pasilyong pinaglumaan ng panahon at gera. mula sa tabi ng dingding ay naroon ang mga basag na salaming minsang naging pananggalang ng isang lumang silid..

Maingat akong dumungaw sa kabila ng mga nakausling bubog. sumalubong saaking paningin ang iilang mga luma at sira sirang crib ng mga sanggol na nakakalat mula sa loob.

Kunot noo akong nagtaka sa kung bakit naroroon ang mga bagay na iyon habang nagpatuloy ako saaking maingat na paglalakad sa maginaw na pasilyong sinisinagan lamang ng kakarampot na liwanag na nagmumula sa kalapit na space station.

Tahimik akong napaliko at napatingin saaking inaapakan.

Mga natuyong bakas ng dugo sa malamig na sahig na pinaglumaan na ng panahon.

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon