Code 13: Drag Race

13.7K 449 33
                                    

*** Revienne's Point Of View ***

"Stella saglit lang.."

Mahinahon at nag aalala kong tawag kay Stella habang hinahawakan ko ang kanyang moss green na palda.. hindi lumingon ang aking kaibigan kahit tinangka ko siyang pigilan..

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad patungo sa opisina ni Captain Helsberg.. Sabagay.. hindi ko naman talaga siya masisisi kung bakit ganyan ang mood niya ngayon.. 

"Hindi ko ito palalampasin Revs.. below the belt na ang ginawa ng baboy na yun! titirisin ko siya na parang garapata!! arrrrggghhh!!!"

Nayayamot na pagdabong niya habang naglalakad.. nakapakamot nalang ako ng aking pisngi.. somehow nagagawa parin niyang magpatawa kahit ganyan ang nangyayari sakanya ngayon..

Ngunit hindi ko maiwasang mag alala para sakanya.. nanganganib ang standing ni Stella ngayon.. napatingin ako sakanyang likod.. 

Hindi ko maiwasang maalala muli ang nangyari matapos ang Exams..

*** Revienne's Flash back ***

"Ano Chloroform?"

Sabay naming sabi nung binatang may pitch black na buhok at salamin na napag alaman kong Edward Hartwig ang pangalan..

"Oo.. tama ang narinig nyo.."

Mahinahon na pahayag ni Captain Helsberg habang maingat niyang nilalagyan ng mga benda ang mga malalalim na sugat ni Stella sa binti..

Natagpuan ni Captain Helsberg si Stella na walang malay at nakahandusay sa ilalim ng puno iilang metro mula sa finish line.. Hanggang ngayon ay wala parin siyang malay tao..

"Kung ganoon---"

Naputol ang pananalita ni Edward nang biglang napatayo ang kapitan at napalingon saamin.. tila bay gumapang ang kakaibang takot saaming mga katawan nang makita ang seryoso at madilim niyang mga mata..

"Tama.. Pinatulog siya upang hindi na makarating sa finish line.."

Pagulat kaming napalingon ng sabay nang marinig ang sinabi ng kapitan.. tila bay balot ng kakaibang katahimikan ang kanyang mga misteryosong asul na mga mata..

"Ako na ang bahala sa lahat.."

Seryoso siyang sambit saamin.. tila bay panandalian kong nakita ko ang kakaibang Captain Helsberg that time..

*** End Of Revienne's Flashback***

Hindi ko maiwasang mapatingin sakanyang mga sugat sa paa.. tila bay halos wala nang marka ng mga sugat ang naroon.. ang bilis naman ng kanyang wound regeneration.. too fast kung tutuusin.. I mean.. 1 day passed, tila bay hindi na visible yung mark..

Isa pa, tila bay hindi siya nakikitaan ng mga side effects ng choloform na ginamit sakanya..kung ibang tao pa yun maaring nakaratay parin un sa higaan.. pero si Stella.. mukhang hindi..

Thats kinda weird.. pero i guess iba iba din tlga ang mga tao..yeah.. 

Napatigil kame sa pinto ng mismong opisina ng nasabing kapitan.. napatingin ako kay Stella at hindi parin naalis ang pagkayamot sakanyang mukha.. 

Nang akmang bubuksan ni Stella ang pinto ay timing na lumabas ang kapitan mula sa loob.. napa atras kami at nakaramdam ng kakaibang malamig na aura..

Sa sobrang gulat ay natahimik at napatitig nalang kami sakanya nang biglang...

"Oh.. Miss Franz.. just as I expected... kanina pa kita hinahanap..."

Nagkasalubong ang kilay ni Stella at napaharap sa kapitan na sumandal sa may balcony..akmang magsasalita na si Stella nang biglang..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon