Code 45 : Anguish and Betrayal

7.2K 259 100
                                    

*** Commander Hellen's Point Of View ***

Hindi parin maalis alis ang mapag alalang titig ng mga asul na mata ng aking kasama habang nakadungaw sa isang malaking glass window sa loob ng Intensive Care Unit ng aming sakay na space ship Apollo..

Hindi niya alintana ang kanyang arm sling na sumusuporta sakanyang gumagaling na braso..

"Are you really serious about that boy, Hellen? I mean.. isa na siya sa mga tinitingalang Commander ng Black Rogue at that early age?"

Hindi niya makapaniwalang sambit sakin habang pinagmamasdan ang isang binatang may kayumangging buhok na balot ng benda ang buong katawan..

"Hmm.. bakit? hindi naman yan sa edad ah.. nasa talento yan.."

Napatindig ako ng aking pagkakatayo at dumungaw rin sa malinaw na salamin..

"Its been 2 days after that incident.. hindi ko akalaing mabubuhay pa siya.. I'm glad that he had made it, and so were you.."

Napalingon ako patungo sakanya at napangiti habang hinawakan ang aking baiwang..

"Ganyan na ganyan ka rin dati nung mahanap ka namin sa Divina's Ruins.."

He stared at me blankly as his long bangs of blue covered half of his face..

"Malaki ang aking utang na loob sa kapatid ng dalagang yun.."

Napangisi ako at napapikit..

"Kailan mo balak bumalik muli sa iyong tunay na pinanggalingan, eh, Captain?"

Napalingon kami nang marinig namin ang isang makapal na boses na papalapit saamin.. agad akong napasaludo nang makita ang isang matangkad na lalaking may dark ash yellow na buhok at nakasuot ng balatkayong uniporme ng isang Xavierheld Mechanic..

"Mamaya pa ba ang alis mo patungong Xavierheld Lunar Base, eh, Commander Melrey Flinn..?"

Ngumisi siya at hinawakan ang kanyang mga baiwang..

"Ahaha.. tutungo na ako roon bago pa magkagulo mamaya, I'm just checking the details just before the show starts.. sooner or later lalabas na ang Hari upang suportahan ang kanyang Reyna, at ako, ang magiging tulay ng mag asawa.."

With that words he began to smile..

*** End of Commander Hellen's Point Of View ***

*** Tristan's Point Of View ***

Agad kong isinara ang aking crystal tab nang mabasa ko ang aking sunod na misyon.. kung ganoon, totoo pala ang aking hinala sa babaeng yun..

Sakit ng ulo lang talaga ang dala niya saakin.. I don't have other choice but to take her with me and keep her alive..

Napabuntong hininga ako habang binuksan ko ang isang drawer sa tabi ng aking kama.. maingat kong kinuha ang isang baril at isang silencer mula sa loob ng kahon..

Hindi ko akalaing dito ko mahahanap ang taong yun.. at hindi ko inakala na mas magiging madali ang lahat para sakin..

Pwera nalang sa isang bagay..

Agad kong ikinasa ang aking hawak na baril at maingat na nilagyan ng silencer..

Napapikit ako nang makita ko ang larawan ni Stella mula sa loob ng drawer..

Bakit kailangan kong mawalay muli sayo, Stella..?

Dahan dahan akong tumalikod mula sa kanyang larawan at maingat na itinago ang aking dalang baril..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon