Code 1: Weird Strangers

38.4K 975 162
                                    

Planet Earth, 473 G.E. 8:26am

"Tatawagan ka nalang namin, miss Franz, if ano man.."

Firm na sabi ng isang middle aged woman with high angled black framed eyeglasses habang isinara niya ang aking application folder..

Its been around less than 5 minutes nung dumating ako dito sa office niya upang mag apply sa isang Information Company dito saamin..

"Huh? Po?" 

Napatigil siya sakanyang pagsara ng aking mga papeles sa loob ng aking folder at tinignan niya ako ng matalim..

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko miss Franz? I said.. We'll call you back.." 

Mataray na sabi niya habang isinalampak ang aking application folder dun sa ga bundok na mga files sa tabi ng kanyang office desk..

I guess... hindi lang ako ang tanging aplicante na tatawagan niya.. and sa tingin ko matatagalan o kaya naman ay imposible na nila akong tawagan kahit for job interview lang..

"Ahh..okay po.. salamat po.."

Agad akong napatayo at inayos ang aking black shoulder bag.. maingat akong lumabas ng pinto ng office..

"Next naba miss?"

Bungad saakin ng isang lalaking naka formal suit at naka neck tie.. isa din siya sa mga libo libong aplikante na mariing nakapila sa labas ng office..

"Ah.. yeah.. sure.."

Walang ganang reply ko sakanya.. napa buntong hininga na ako habang naglakad na palayo.. sino ba naman hindi mawawalan ng gana kung alam mong libo libo kayong graduate ng Advance Information Technology na course na nagpapatayan para sa iisang posisyon lang..

Ako nga pala si Stella Franz, 22 years of age.. isang fresh graduate ng Advance Information Technology.. hindi naman sa pag mamayabang pero maaga kong nakuha ang aking Advance Information Technologist license..

Ngunit.. may problema parin ako.. kailangan ko ng matinong trabaho ngayon.. 

Ano bayang iniisip nyo? haha wala pa akong sariling pamilya noh.. eh kahit ni boypren ay wala pa ako.. haha 

Kailangan ko kasing tustusan ang pagpapagamot ng aking nalumpong ama.. actually, pinag iipunan ko ang kanyang prosthesis para sa ganun may chansa siyang makapag lakad muli..

Isang nurse si papa noon.. naka assigned siya noon sa Nursery at sa Pedia ward sa isang ospital kaya marunong siyang mag handle ng mga baby at bata..

Sabi ni papa maagang namatay si mama noong baby pa daw ako.. kaya siya na ang nag alaga sakin hanggang sa lumaki ako.. iniwan daw sakin ni mama ang isang necklace na may gintong singsing na nakasabit dito na suot suot ko hanggang ngayon..

Di ko lang masyadong ine expose mahirap na baka ma snatch.. haha 

Ngunit tila ay nagbago ang lahat saamin ni papa nang aksidente siyang naging biktima ng isang Hospital Bombing noon.. nadaganan ang mga binti ni papa ng mga nawasak na debris habang pinoprotektahan niya ang buong nursery noon..

Kinailangang i amputate ang dalawa niyang binti upang mailigtas ang buhay niya.. leaving us no choice but to have the major surgery..

After ng iilang taon.. hindi na muling nakapag trabaho si papa..tamang tama at naka graduate na ako.. i need to find a work immediately..

Well..so much for my talambuhay.. haha.. 

Hay.. ang buhay nga naman talaga.. kahit na sobrang maunlad na ng bansang ito still.. marami parin ang unemployed, especially pag once nasa linya ng Information Technology ang natapos mo..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon