Code 57 : Battle Of Hearts (Part I)

6K 214 90
                                    

Stella's Point Of View

"You can run but you can never hide from me!" mapanglarong banat ni Vaughn na halos hindi na ako tigilan sa pag habol. Kunot noo kong tinitignan ang aking screen habang matulin na pinapatakbo ang aking dalang unit.

Pilit kong itinago ang mga luha saaking mga mata nang matanto ko ang isang bagay na lubos na hindi ko inasahang magagawa ng EAF sakanya.

Ang manipulahin at burahin ang kanyang mga alaala. Ang mga alaalang kahit kailan ay hindi na magagawa pang mabalik nino man.

Kahit ako.

"Damn it! Kailan ka titigil sa pag takbo! halika rito at tayo ay mag sayaw!" dinig na dinig ko ang kanyang pilyong pag sambit mula sa transmission line.

Napahigpit ako ng akong hawak saaking mga controls at pilit na di lumilingon.

"Lieutenant Franz! anong problema? why not attack that unit?!" napalingon ako saaking audio system nang marinig ang firm na boses ni Admiral Yohannes.

"Admiral, ang unit na iyan. Ang Valkyrie Unit Odin.. ang Piloto... ang--" Nauutal at natataranta kong pahayag.

"Stop that unit once and for all! gawin mo ang lahat para patumbahin ang unit na yan." malamig niyang tugon. Napabuntong hininga ako at napapikit.

"Stella. He's not the same Vaughn anymore. He doesn't remember you at all. He's merely a killing machine that imposes threat to us." mahinahon ngunit firm niyang tugon.

Bumigat ang aking mga matang nakapikit.

"The EAF had took over your lover, Stella. Though it really hurts, mas magandang if we consider him dead. He's not your lover any more.. Ibang tao na siya ngayon, Stella. He's your enemy now." dagdag pa niya na agad na napumukaw saaking damdamin.

Marahas kong sinipa ang ang speed regulator saaking booster wings at mabilis na kinuha ang aking laser sword.

Saaking pag harap ay buong lakas kong hinarap ang papalapit na Valkyrie Unit Odin na agad naman akong sinalubong ng pag papaulan ng iilang missiles.

I immediately grabbed my shield and quickly blocked all the blast to my safety.

Tama..

Tama si Admiral Yohannes. He's not the same Vaughn any longer! He's not my lover but indeed my enemy!

Dinig na dinig ko ang malakas na pag salpok ng aking emerald green laser sword sakanyang malaki at mabigat na steel shield.

"Finally!" malakas na halakhak ni Vaughn mula sakanyang unit at hindi nag dawalang isip na ako'y atakihin gamit ng kanyang mga detachable drones mula sakanyang unit.

The drones shoots blue lasers at the speed of light with its intelligent auto follow and tracking system na sigurado akong gawa ng modification ng EAF sa kanyang unit.

Isang tanda na hindi basta basta ang aming binabangga ngayon. I swiftly maneuvered my controls upang iwasan ang mga mabibilis na drones. Taking care not to damage my unit's most vital parts.

I soared and quickly changed my track causing some of the lightning speed drones to crash at each other.

"Not bad. pretty impressive for a lady. I would like to date you if you manage to survive this war!" Vaughn with his sarcastic tone.

"But we used to date! you old hag!" mas sarcastic na sigaw sakanya "At hindi lang hanggang date ang inabot natin dammit!" inis na dagdag na medyo nag patigil sakanya.

Saaking mabilis na pag liko ay halos masira ng speed reducer ng aking unit nang biglang bumulaga ang 2 drones na natitira causing me to have a sudden evasion that draw me closer to him.

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon