Code 9: Class I Loki

17.5K 503 40
                                    

*** A Young man's Point Of View ***

"Malinis na ang lahat.. dont worry about those things.. Its a good thing na mayroon din tayong intelligence sa loob.. since inayos na namin ang lahat, naka depende ang resulta ng misyon na ito sayo.."

Tila bay napahawak ako sa aking wireless bluetooth headset na nakalagay saaking kanang tainga.. Hindi ko alintana ang isang mabigat na boses ng lalake mula sa kabilang linya..

Dinala ako ng aking mga paa sa isang Wash Room para sa mga kalalakihan.. nang makarating ako sa loob ay nakita kong maaliwalas at wala ni isang tao.. 

Naglakad ako sa loob at isa isang napalingon sa mga bukas na cubicles.. positive.. ako nga lang ang tanging tao sa loob ng CR ngayon..

Tahimik akong pumasok sa loob ng isa sa mga last cubicle.. ngunit bago ko isinara ang pinto ay idinikit ko sa side ng pinto ang isang micro heat sensor.. buti nalang nag baon ako ng ganito..

Ma dedetect nito kung may pumasok na heat signature sa loob ng kinalalagyan ko at magbibigay ng notice patungo saaking headset..

Napatayo ako sa loob at inilabas ang isang puting sobre mula sa bulsa ng aking moss green na school pants..

Hindi talaga ako komportable sa uniform na to actually, pero wala akong choice.. 

"Na confirm nga ng Intelligence ang kanyang kinalalagyan ngayon..at siguardong nariyan siya sa University na yan.."

"Para sa isang formal Military Education huh?"

"Tama ka.."

Mahinahon niyang sagot mula sa kabilang linya..agad kong binuksan ang puting envelope... hindi na ako nagulat nang makita ko ang isang offcial School ID.. naroon ang aking 2x2 picture.. ang pangit kong tignan dito.. pero wala akong choice... Nakaimprenta ng maayos ang aking totoong pangalan..

"Sigurado ba kayo na gagamitin nyo ang aking tunay na pangalan?"

Mahinahon at mapagmasid kong tanong dun sa lalake na nasa kabilang linya..

"Hmm.. nagkakaroon kaba ng mga pagduda ngayon? ahaha.."

Mahinahon na sambit nang lalake mula sa kabilang linya.. hindi ko maiwasang kumunot ang aking noo..

"Gaya ng sabi ko sayo kanina.. wala nang problema... kung iniisip mo ang mga aberya na dala ng iyong identity, pwes just sit back and relax, and do your work properly.."

Pinakinggan ko lang ang kanyang mapaglaro at seryosong boses.. 

"Anyways... just remember, wag mong maliitin ang kakayahan at abilidad ng Earth Intelligence, Lt. Aldebert..."

At sa kanyang mga huling salita ay narinig kong naputol ang linya... napapikit ako at agad na inalis ang aking headset.. agad itong nag automatic compress at itinago ko na saaking breast pocket..

Inilabas ko mula sa puting sobre ang offcial school ID at walang takot itong sinuot.. agad akong lumabas at inalis ang sensor microchip.. 

Hindi ko naiwasang mapatitig sa bathroom mirror saaking harapan.. tinignan ko ang aking sarili at napatindig ng tayo..

Hindi ko maalis ang aking tingin sa suot kong Moss Green at yellow Student's Military Uniform.. iniayos ko ang aking itim na buhok at itinabi ko ang isang maliit na hibla ng mahabang buhok sa tabi ng aking mukha..

Mukhang hindi parin nag fafade ang black dye dito sa isang mahabang hibla ng aking buhok.. hindi ako nagsisi kung bakit ko ito kinulayan.. 

Hindi ko parin maiwasang matanong saaking sarili kung bakit mayroon akong neon blue na hibla sa buhok kung talagang itim ang original hair color ko..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon