Code 51: Sayonara

6.4K 228 81
                                    

*** Stella's Point Of View *** 

 "T..to..totoo ba ang mga bagay na ito, Vaughn?"

Nauutal kong sambit kay Vaughn na hanggang ngayon ay hindi parin magawang alisin ang kanyang nanlulumong ngiti sakin.. 

Napapikit siya bilang kanyang pagsagot at napakapit saaming mga singsing na marahang nakalapag sa malambot na kumot..

 Agad na pumatak ang mga malalaking butil ng aking mga luha sa huling sulat ni Captain Hagalaz at maingat na inilabas mula sa lumang sobre ang isang flash drive na nakalakip mula sa loob.. 

Pinagmasdan ko ang mga mamumugtong luha sakanyang mga asul na mga mata habang ramdam na ramdam ang init ng kanyang mga palad saaking pisngi..

"Are..are you sure you want to do this, Stella?"

Nanginginig na tanong niya sakin habang pilit na pinipigilan ang pagbasak ng kanyang luha.. 

"I.. I want to know the truth, Vaughn.."

Hindi ko na napigilan pa ang aking pag iyak at agad na nabitawan ang sulat.. kagat labi kong pinigilan ang pagkawala ng aking mabibigat na pag hagulgol habang buong higpit na niyakap si Vaughn.. 

"Kaya naman pala agad akong nahulog sayo saating unang pagkikita.." 

Nabakas ang magkahalong saya at lungkot sakanyang nanginginig na boses habang yakap ako.. 

Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba.. wala na akong pakialam kung may makakarinig saaking pag iyak.. 

Ang tanging gusto ko lang ay ang malaman ang katotohanan sa likod ng taling nag ugnay saaming katauhan ni Vaughn.. 

Ang taling sumimbolo ng aming pag ibig sa nakaraan.. ang taling nagbigkis saaming dalawa bilang---

Agad na naputol ang aking pagninilay nilay nang biglang umugong ang tunog ng mga malalakas na warning alarm sa buong space ship..

"Dammit! what now?!"

Natarantang sambit ni Vaughn at agad na tumayo mula sa kanyang kinauupuan..

*** End Of Stella's Point of View ***

*** Howard's Point of View ***

"Dalian mo Edward!"

Nagmamadaling sambit ko kay Edward na halatang naalimpungatan sakanyang pagtulog habang pilit na sinusuot ang kanyang jacket..

"Te..teka!!--"

Marahas akong napatigil saaking paglalakad nang mapansin kong pilit niyang inaabot ang kanyang librong nakalapag sa mesa..

"Dammit Edward! are you still concerned about that book over your own life? what the hell is wrong with you?!"

Inis at nagmamadali kong pahayag sakanya.. agad naman siyang patarantang ngumiti at ikinubli ang nasabing maliit na libro sakanyang jacket..

Whats with that f*cking book?

Mabilis kaming kumaripas ng takbo palabas ng aming quarters sa kabila ng antok at puyat na nararamdaman..

Its been only 2 hours nang makapag pahinga kami and here we go again! Dang it! kailan pa kaya mapapagod yang mga lintik na EAF na yan!! 

We hurriedly ran towards a the next hallway ngunit agad kaming napatigil nang bigla naming matanaw si Stella na kakalabas lang muna sa pinto ng silid ni-- what the dafuq! sa silid ni Captain Vaughn?

Halata ang pagmamadali ni Stella sakanyang paglabas.. ngunti agad kaming natigilan ni Edward nang masaksihan namin ang paglabas rin ng kanyang kapitan sa silid..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon