Code 11: Dirty Little Secrets (Part I)

14.4K 467 52
                                    

*** Stella's Point Of View ***

"What the heck!? agad agad?!!"

Malakas na bulalas ko nang marinig ko ang sabi ni Captain Helsberg na nakaupo sa isang high chair at may hawak hawak na handy megaphone.. mukhang naki isa din naman saakin ang iilang mga studyante saaming paligid sa loob ng gym..

Well, its been only an hour after ng draining written exams and agad agad nila kaming pakikilusin at i pag preprepare para sa second examinations.. 

Gusto ata talaga kaming patayin sa pagod dito..nagsimulang umingay ang crowd ng mga examinees.

Nang biglang......

"EEEEEEEENNNNNGGGGGGGGGGG!!"

Halos mapasigaw kami at takpan ang aming mga taenga dahil sa ginawa niyang electrical feed back sakanyang mega phone.. brutal talaga ang mga tao dito!!

"Whoa! Whoa! calm yo t*ts guys!! just zip your mouths first and let me do the talking!"

Malakas na anunsyo ng kapitan.. agad din namang tumahimik ang lahat at mariing nakinig.. muling napaubo ang kapitan upang ayusin ang kanyang boses..

"As I said a while ago, mag oover night stay tayo sa Woodridge Camp, ang Official Forest Boot Camp ng Academy na ito that is located a kilometer away from here.. dun tayo magpapahinga in preparation for the Second Examination na magsisimula bukas ang madaling araw.."

Napatigil siya saglit.. then nag resume siya..

"I want you guys to gather your things, na i distribute na namin ang inyong mga shirt and shorts na gagamitin nyo bukas.. nasa kanya kanyang kwarto nyo na kaya there's no reason to be late.."

Grabe, kahit sa personal na kwarto ay may access parin sila.. nakakainis naman..come to think of it bukas ng madaling araw.. kulang na kulang ang oras sa tulog..

"30 minutes from now ay darating na ang shuttle bus na susundo sainyo dito, kaya kung ako sainyo, magmamadali na ako, meeting place will be at the Academy's Quadrangle, at exactly 1600 hours.. do I made my self clear?!"

****************

Mariing sumara ang automatic door ng shuttle bus at nagsimula nang umarangkada ito.. nang biglang..

"Captain!! Captain!! may naiwan po!"

Sigaw ng isa sa mga studyanteng naroon sa back seat.. napalingon at napatayo kami at kitang kita namin ni Revienne ang mga iilang studyante na halos kapusin na ng hingal sa sobrang katatakbo upang habulin lang ang bus..

"Don't mind them.. sit down all of you.."

Malamig na bawi ng kapitan na mahinahon na nakaupo sa may upuan sa harap ng bus.. tila bay walagng bahid ng pag aalala ang kanyang mukha..

"Pero, Captain---"

Agad din namang natigil yung studyante nang bigyan siya ng matalim na titig ng seryosong kapitan..

"Sit down, mister, like I said, there's no reason to be late, I gave, clear instructions back then, 1600 hours is 1600 hours.. dont they get it?!"

Natahimik ang buong loob.. halos mangibabaw ang tension ng superiority sa loob.. napasandal ang kapitan sa upuan..

"Sa mundong ginagalawan nyo ngayon, ikamamatay nyo ang hindi pagsunod sa mga instructions ng superiors niyo, wag kayong maging kampante sa mga second chances.. Do I made my self clear?!"

Makapangyarihan niyang utos.. wala na din kaming nagawa kundi ang umupo at bumalik muli saaming kinauupuan.. 

Hindi ko magawang manghinayang dun sa mga na late na students na hindi na nakahabol pa.. alam ko naman na aware sila dun sa clear instructions ni Captain Helsberg, maliban nalang kung...

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon