Code 59.1 : Till Death Do Us Part (Part I)

6K 196 25
                                    

Tristan's Point Of View

Maingat kong ibinaba ang aking dalang unit nang tuluyan na akong makapalapag sa dating lugar na lubos na kumalinga saakin.

Ang St. Michael's Fortress, ang sentro ng kapangyarihan ng Earth Alliance Forces na hindi ko akaliang maihahalintulad na sa isang higanteng karit ng kamatayan dahil sa kasakiman ng iba.

Ang Fortress na siyang nag silbing haligi ng aking pagkatao na ngayon ay kunoot noo kong pinagmamasdan habang dahan dahan niyang dinudurog ang mga pananggalang ng mga kawal ng Xavierheld.

Mabilis kong ikuha ang aking micro flash drive na naglalaman ng mga detonation codes mula sa ipinadalang distress message ni Howard habang marahang binuksan ang aking cockpit.

Saaking pagkababa sa isang nakabukas na hatch ay agad kong pinagmasdan mula sa malayo ang mga kulay berdeng nano particle barriers ng Xavierheld na pilit na hinaharangan ang malakas at malahalimaw na laser mula sa 773-2A Ignis.

Hindi na ito maganda. Alam kong walang panama ang mga barriers na iyon sa magnetic heating laser ng Ignis.

Napayukom ako ng aking kamao saaking paglingon. Nasilayan ng aking mga mata ang unit ni tiyo Vincent. Kailangan ko nang magmadali!

Pinilit kong maging matatag at agad akong napatalikod upang lumisan nang biglang tumunog ang aking receiver mula sa loob ng cockpit.

"Lieutenant Tristan Aldebert! are you there!? please acknowledge back!" Nag aalalang boses ni Captain Maris mula sa transmission line.

Madali akong napabalik patungo saaking cockpit at agad na kinuha ang headset at maingat na isinuot kasabay ng aking pagtakbo patungo sa loob ng fortress.

"This is Lieutenant Tristan Aldebert, acknowledging. Captain Maris may sasa-"

"Tristan! please come back! hindi na kaya ng aming barriers. Tuluyan nang bumigay ang barriers ng 5 space craft natin on the front line. Bibigay na kame sa iilang sandali nalang..!" Napakunot noo ako nang marinig ang kanyang nag aalalang boses.

"How many minutes left? estimated time?" I answered back

"20 minutes is all we have, Tristan." she replied with her serious voice

"Roger then. please spare me 20 minutes or less." I requested

"What? no! please return to the stronghold once and for all.. Hindi natin alam anong susunod na mangyayari once tumagos na ang heating laser sa colony! The EAF would definitely take that advantage!" she ordered through the line

"Please, Captain! give me 20 minutes!" I replied

"Do not question your orders Lieutenant! Return! That's an order!" she shouted at the line, but it didn't stop me from running through the empty and abandoned fortress.

"I have the key to our victory, Captain. I have the key to stop this monster." I said with my serious tone as I hear her astonished voice.

"Ha? what are you saying Lieutenant Aldebert?" she questioned. Agad akong napahawak saaking pulang headeset.

"Ask Howard later, captain. I need to go. just trust me on this matter." I said as I intentionally turned my headset off and continued on running.

There's no turning back now. I gotta save my sister, I gotta save them. I got to stop this madness once and for all!

Captain Maris' Point Of View

Natigilan ako sa huling narinig ko mula kay Tristan. Napahawak ako saaking headset at marahang naupo sa commander's seat ng aming kinalalagyang space ship.

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon