Code 47 : The King's Glory

6.7K 246 75
                                    

XAVIERHELD LUNAR BASE, 2253H (10:53 PM)

*** Vaughn's Point Of View ***

"I have to hurry!! give me your spare units I beg of you!! I need to save my girl for Pete's Sake!!!"

Hindi ko na napigilan pang mapabulalas as I hurriedly left my damaged unit.. hindi ko na nagawa pang mapansin ang mga nag mamadaling mga mechanic na hindi magkanda ugaga kaka apula ng usok mula rito..

"But, Captain Vaughn, I'm afraid to tell that were out of spare units..! lahat po ay currently na pina-pilot na ng aming Lunar Base Troops.. please understand that we also need to protect this base.."

Nag aalalang salubong sakin ng head Military Mechanic Engineer ng Lunar Base na si Ysa Rockwell, ang nakababatang kapatid na babae ni Admiral Yohannes..

"Dammit Ysa!! But I have to save Stella!! She's in great danger in the hands of an EAF spy!!"

I watched how her eyes grew and filled with great worry..

"What? Isang espiya? but how?!"

"No time to explain Ysa, just connect me to Space Ship Athena right away!!"

Maawtoridad kong utos sakanya at agad naman siyang nagmadali upang kumuha ang isang wireless headset.. napapikit ako as I clenched my fists..

Hindi ko na napigilan pa ang manlalamig at panginginig ng aking kamay sa sobrang kaba.. I never felt so scared in my entire life!!

Hold on there, Stella.. please be alright.. please be...!

Nang biglang..

"Oh.. would you look at that.. mukhang tuluyan nang nabura ang mga ngiti ng tanyag na piloto ng Xavierheld na si Captain Vaughn Meinhardt.."

Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses ng isang hindi kilalang lalakeng nakatayo sa may bandang pinto.. Kumunot ang aking noo habang pinagmamasdan ko ang kanyang suot suot na mechanic suit at ang kanyang nakataling ash yellow na buhok..

Nakapinta sakanyang maamong mukha ang isang sarkastikong ngiti na nagpakulo ng aking dugo..agad akong napatayo at sinuklian siya ng isang matalim na tingin..

"What could be the feeling of being so useless, eh, Captain? you must be in a very desperate situation right now.."

Nanlaki ang aking mga mata sa inis nang marinig ko ang kanyang mga sinabi.. akmang susugurin ko na siya nang bigla siyang kumaripas ng mabilis na takbo palabas ng hatch..

"Hey you!!! stop right there!!"

Hindi ko na nagawa pang mahintay si Ysa at agad na hinabol ang mapang asar na mechanic crew.. you messed up with the wrong guy in a very wrong time..

Nang tuluyan akong makalabas ng pinto ay agad kong naramdaman ang mabilis na pag gapos saking mga kamay mula sa likod..

"What the hell!?"

BLAAAAAAGGG!!!

Kasabay ng isang mahigpit na paggapos saaking kamay ay ang marahas na pagbagsak ko sa malamig na sahig..

Pilit akong tumingala at lumingon.. nasinagan ng aking mga mata ang kakaibang ngiti ng mapang asar na mechanic crew habang itinutok niya ang kanyang baril na may silencer sa likod ng aking ulo..

"Ohh being so hot headed right now, eh, Captain Vaughn? Mukhang kailangan kong gawin sayo to, wala na akong oras upang makipag habulan pa sayo, Experiment A03-OCG, nauubos na ang oras natin.."

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang marinig ko ang kanyang itinawag sakin..

Pinilit kong pumiglas mula sakanyang pagkakagapos..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon