Chapter 3:
POV OF Angel Ciara Locsin:
"Ate Angel!" Niyakap agad ako ng mga bata pagkadating ko dito sa ospital. Nandito kasi ako sa ospital at lagi ako pumupunta dito para tumulong sa mga batang may kanser. Yung mga kinikita ko bilang heartbreaker ay para sakanila.Gusto ko talaga kasi tumulong sakanila lalo na sa mga bata, gusto ko sila gabayan na may pag-asa pang mabuhay at maging masaya. Hindi lang sa mga batang may kanser ako tumutulong maski sa mga bahay ampunan lagi din ako nagdodonate doon.At sa mga home for the agent, sa mga matatandang pinabayaan na nakanilang pamilya. Ang bait ko noh? Hahaha. Syempre, maganda ang pagpapalaki sa akin ng magulang ko eh ♥
"Kamusta na ang mga little angels ko?" Bati ko sakanila.
"Ate Angel, kanina tinusukan ako."
"Ako naman, pinainom ng gamot."
"Ako walang ginawa sa akin." Bigla ako natawa sakanila kasi ang cute nila e.
"Wala bang umiyak sainyo?" Tanong ko sakanila.
"Si Andrew po!" Sigaw ni Gellie, matagal na siya ospital lagi siyang labas pasok. Pero nagdecide na ang magulang niya na ipaconfine dito sa ospital para mabantayan yung kalusugan niya.
"Saan nga pala si Andrew?" Si Andrew ay may leukemia at 7 yrs old na siya. Sa murang edad nakikipaglaban na siya agad sa kanser :/
"Nandoon po oh." Tinuro sa akin ng mga bata, kaya pumunta ako kay Andrew.
"Andrew." Tiningnan niya ako at yung nakita niya ako ang laki ng ngiti niya.
"Ate angel! Namiss kita." Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya.
"Namiss din kita, balita ko umiyak ka daw ha?"
"Ha? Hindi po kaya ako umiyak!"
"Ate angel! Umiyak yan si Andrew!" Pasigaw na sabi sa akin ni Gellie.
"Hindi kaya!" Inis na sagot ni Andrew.
"Opps, wag kayong mag-away." Awat ko sakanila.
"Umiyak naman talaga yan si Andrew e." Mahinang sabi ni Gellie.
"Gellie, usap lang kami ni Andrew ha. Laro ka muna doon sakanila." Ngumiti sa akin si Gellie at bigla niya ako kiniss sa pisngi.
"Sige po ate ganda." Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Tumingin ako kay Andrew at tumabi sakanya.
"Masama magsinungaling Andrew." Napanguso si Andrew at napayuko bigla.
"ehh kasi ate angel, ayoko naman umiyak kanina eh. Pero ang sakit kasi ng ginagawa nila sa akin e. Hindi ko na po kaya." Hinawakan ko bigla yung kamay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/31629424-288-k794627.jpg)
BINABASA MO ANG
My name is Heartbreaker [COMPLETE]
Romance[NO SOFT COPIES/ REVISED EDITION/ COMPLETE] Si Angel Ciara Locsin ay si Heartbreaker, gustong-gusto niyang manira ng isang relasyon dahil ang tingin niya sa lahat ng magkarelasyon ay lolokohan lang. Bakit niya ito ginagawa? Tara basahin natin ang M...