CH.27

1.4K 49 1
                                    



Chapter 27:



Angel's POV:

Ilang linggo na ang lumipas, pinakilala ko si Lee kila mama na bilang boyfriend ko na talaga. At masaya naman doon sila mama.Matanda na daw kami kaya sana maging maganda ang pagsasama namin.

Si Jin at Lee naman okay na sila bilang magkapatid pero si Zico lang talaga ang hindi nila makasundo ng maayos ang sabi na lang nila sa akin, kahit magkakaiba sila ng nanay magkakapatid pa rin sila. Kaya masaya ako para sakanila~!


At mas lalo ako naging masaya kasi hindi magiging hadlang si Jin sa relasyon namin ni Lee. Nirerespeto niya ang kuya niya kaya magpapaubaya siya. Ang bait ni Jin noh? Tsaka alam niya naman talaga na hanggang kaibigan o kapatid lang ang turing ko sakanya nung college pa kami.


"Angel, nandyan na boyfriend mo oh." Napangiti naman ako sa sinabi ni Lena.


"Wagas ngiti natin dyan ha? Inlove talaga kay Lee."


"Tse, kaya ikaw. Kung seryoso talaga kayo ni Zico sa isa't-isa pahalagahan mo na!" Tumawa lang siya sa akin at niyakap niya ako.


"Masaya ako sayo Angel, wag mo munang intindihin ang lovelife ko. I can handle it!" Tiningnan ko siya.


"Pero kung kailangan mo ko ha."


"Oo alam ko po yun. Sige na baka mainip si Lee doon, ingat ka bes." Bineso ko siya at nagpaalam sakanya at sa manager namin.


"Flowers for you." Napangiti naman ako sa ginawa ni Lee, hinug at kiss niya pa ako pagkalabas ko ng restuarant :''> Waa, sarap sa pakiramdam na nagmahal ka ulit.


"Thank you." Hinawakan niya kamay ko at nakangiti kaming naglalakad.


"Kamusta trabaho?"


" Masaya, teka di mo dala kotse mo? Maglalakad tayo?"


"Oo, gusto ko sulitin yung oras na magkasama tayo." Tiningnan ko siya.


"Sana dinala mo, sakit ng paa ko e. 9 hours akong nakatayo at nagseserve." Tumigil siya sa paglalakad at umupo sa harap ko.


"Piggy back ride kita." Napangiti ako dun, kaya hindi ako nagdalawang isip na umangkas sa likod niya.


"Mabigat ba ako?"


"Kumakain ka ba? Grabe parang hangin lang dala ko." Pinalo ko siya ng mahina.


"Korni mo, alam kong nabibigatan ka sa akin."


"Paano mo naman nasabi?"


"Ang bagal mo maglakad e." Tumawa lang siya.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon