CH. 38

1.3K 47 3
                                    




Chapter 38:


"Ate Angel , ang tagal mo pong hindi dumadalaw dito."  Nginitian ko lang yung mga bata, nakikipaglaban parin sila sa sakit na cancer. Kasama ko si Rome, napag-isipan namin dalawa kasi nadalawin ang mga bata.


"Sorry ha, naging busy lang si Ate Angel niyo.Nandito naman na ako ha, kasama ko pa si Kuya Rome niyo." Tumawa lang sila sa amin.


"Bagay kayo Ate Angel." Sabi ng isang bata.


"Sarap naman pakinggan nun." Masayang sabi ni Rome, tumawa na lang ako.


"Alam mo po ba Ate Angel, May dumadalaw din lagi sa amin ang pogi niya po." Nacurious naman ako sa sinabi nitong batang babaeng toh.


"Opo Ate Angel, lagi siya nakikipaglaro sa amin. Tapos sabi niya po pahalagahan po namin ang bawat minuto." 


"Tapos Ate Angel, ang sweet niya po sa girlfriend niya. Bagay din po sila parang kayo din po."


"Kayo talaga, mga bata pa kayo." Sabi ni Rome tapos tumawa lang yung mga bata.


"Pakilala namin kayo sakanila Ate!" Suggest nung isang bata.


"Ha? Bakit nandito ba sila?"


"Opo, may sakit po kasi yung girlfriend ni Kuya pogi." 


"Tara Ate, kuya! Puntahan natin sila." Hinila kami nung mga bata papunta sa isang kwarto at bigla bigla na lang pumasok yung mga bata sa kwarto. Napa-iling na lang ako sa ginawa nila.


"Ate Althea! May kasama po kami!" Althea?! Pumasok ako sa kwarto at nagulat ako sa nakita ko.


"Althea." Nagulat siya ng makita niya ako.


"Angel."


"Magkakilala kayo Ate?" Tanong nung bata,ngumiti si Althea.


"Pwede ba kaming mag-usap ni Ate Angel niyo muna?" Tumango yung mga bata at tumakbo pabalik sa kwarto nila kasi baka mamaya mapagalitan sila ng mga nurse na lumabas ng kwarto nila. Lumapit sa akin si Rome at hinawakan ang kamay ko.


"Ikaw ba si Rome?" Nakangiting tanong ni Althea, hindi ko aakalain sa ganitong sitwasyon ko makikita si Althea,  maputla siyang tingnan.


"Oo, ikaw pala si Althea." Sabi ni Rome.


"Sorry kung sa ganitong sitwasyon niyo pa ako nakita ha, yung mga batang yun talaga. Hindi ko aakalain na bigla kayong hihilain nila dito." Lumapit ako Althea at hinawakan ang kamay niya.


"Bakit may mga nakatusok sayong ganito? Yung nagkita tayo kailan lang, malakas ka pang tingnan ha." Tumawa lang siya sinabi ko.

My name is  Heartbreaker [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon