Special Chapter
Angel's POV:
"Angel, nakakatawa palang kasama toh si Rome noh?"
"Masaya ka ba pagkasama siya Althea?"
"Oo, grabe parang nawawala ang sakit ko kapag kasama ko siya." Napangiti naman ako sa sinabi ni Althea, hanggang ngayon nagpapagaling parin siya. Paminsan-minsan dinadalaw namin siya ni Lee.
"Nako iba na yan Althea baka naiinlove ka na sakanya?" Tumawa lang siya.
"Grabe ka naman Angel, we're still moving on ano ba."
"Sorry."
" Don't be sorry ano ba! Masaya nga ako para sainyo dahil naging kayo na ulit eh."
"Pero-"
"Ay nako, wag ka nga makulit dyan Angel. Basta ngayon masaya na tayong lahat, okay?"
"Waaaa. Bestfriend~! Tingnan mo toh." Nabigla naman ako kay Lena nung bigla siyang dumating at nilipat yung Channel ng TV.
"Sige na Angel, end ko na ha. Tsaka sakto dumating na din yung nurse kakausapin pa ako ng doktor."
"Sige Althea, tawagan mo lang ako ulit ha. Nandito lang ako lagi!"
"Thank you, mwah." Natuwa naman ako sakanya at inend ko na yung call at napatingin naman ako kay Lena pero tinuro niya lang yung TV.
"Hi everyone, my name is heartbreaker." Nagulat ako sa babaeng nasa screen , ano daw? Siya daw si Heartbreaker, Daeff may copycat ako? Wow ha.
"Itrace mo yan babaeng yan." Sabi ko kaagad kay Lena.
"Im done with it, Erica Olaez is her name at 19 years old pa lang. According sa mga sources ko , may boyfriend siyang playboy din kaso ang gusto niya ay makipagbalikan sakanya yung boy at sa huli siya naman ang makikipagbreak." Tumawa ako.
"Mukhang kailangan niya makita ang tunay na Heartbreaker." Tiningnan ako ni Lena.
"eh paano yan baka magalit naman si Lee sa gagawin mo?"
"Walang makakapigil sa akin dahil ako si heartbreaker."
"Wow , ano toh pabebe warriors?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wag mo kong itulad sakanila Lena. Tawagin mo yang fake heartbreaker na yan, kailangan ko siya makausap."
BINABASA MO ANG
My name is Heartbreaker [COMPLETE]
Romance[NO SOFT COPIES/ REVISED EDITION/ COMPLETE] Si Angel Ciara Locsin ay si Heartbreaker, gustong-gusto niyang manira ng isang relasyon dahil ang tingin niya sa lahat ng magkarelasyon ay lolokohan lang. Bakit niya ito ginagawa? Tara basahin natin ang M...