Chapter 23:
Angel's POV
"Gusto niya ako!" Tiningnan ko ng masama si Lee parang tanga e, kanina pa ako inaasar na gusto ko daw siya.
"So? Gusto mo din naman ako di ba? Parehas lang tayo." Ngumiti lang siya sa akin.
"edi tayo na?" At doon ako napatawa.
"Agad-agad? Masyado kang sabik ha."
"Bakit gusto naman natin ang isa't-isa di ba? edi tayo na."
"Sira ka ba? Hindi ba uso ligaw sayo?" Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.
"Hindi, doon din naman ang hantungan di ba? Kaya girlfriend na kita ha." Binatukan ko siya.
"Sira ulo ka. Ligawan mo muna akong hayop ka." Tinawanan niya ako tapos kinurot kurot niya pisngi ko at pinangigilan kaya pinalo ko ng malakas ang kamay niya.
" Ang cute mo talaga Ciara. Tsaka kahit ligawan kita sasagutin mo din naman ako agad di ba? Tsaka ang tanda na natin. Nasa tamang edad na tayo."
"Ang kapal ng mukha mo." Tapos niyakap niya ako, pansin ko lang ha. Masyado siyang natutuwa na kasama niya ako.
"Ciara."
"Ano?!"
"Wala lang. Sarap lang pakinggan ng pangalan mo. Ciara!" Tiningnan ko ng nakakaloko si Lee.
"May hangover ka pa ba Lee? Nababaliw ka."
"Wala masaya lang ako kasi kasama na kita ulit."
"Ang clingy mo sa akin ha. "
"Hindi mo ba ako namiss? Kung alam mo kung gaano kasakit yung sinabi mo sa akin noon."
"eh kasi naman nakakainis ka kaya!Tsaka di ko na din kasi kaya yung panahong yun."

BINABASA MO ANG
My name is Heartbreaker [COMPLETE]
Romance[NO SOFT COPIES/ REVISED EDITION/ COMPLETE] Si Angel Ciara Locsin ay si Heartbreaker, gustong-gusto niyang manira ng isang relasyon dahil ang tingin niya sa lahat ng magkarelasyon ay lolokohan lang. Bakit niya ito ginagawa? Tara basahin natin ang M...